Paano mo malalaman na mahal mo na ang isang tao (in a romantic way)?

I had a conversation with a close friend yesterday night habang umiinom ng milktea. Of course, our topic is about “love” itself, and how can a person say that they already love someone.

It’s a hard question actually, tho sabi ko, iba-iba naman ang meaning ng love sa iba’t-ibang tao. Naalala ko dati, nag-survey pa ako para makagawa ng essay about do’n. Iba-iba ang sagot nila sa tanong ko na ito: ‘Paano mo ba masasabing mahal mo na ang isang tao?’

Some says kapag you’re willing to sacrifice everything for that person, that’s when you finally know you love him/her; some says kapag tanggap mo ang lahat about sa tao na iyon, mapa-positive or negative man ito; and some simply says it doesn’t have a reason, you just know it.

Pero hindi lang do’n nag-end up ang usapan. Si friend kasi biglang nagtanong: paano mo malalaman na love na ang nararamdaman mo? Matitiyak mo ba na love na iyon? Paano kung akala mo lang love na iyon, pero hindi pala? At yung akala mong hindi love, ay love na pala? at ilang tanong rin katulad ng ‘may boundaries ba dapat yung mga gagawin mo para sa isang tao para masabing hindi pa iyon love? May parameter ba ang love?’.

Sa totoo lang naloka ako sa tanong niya, and realized… Oo nga. Mayroon ba? May factors ba na dapat i-take note at tandaan para malaman na romantic love na ang nafefeel mo at hindi lang simply platonic? Well, take this for example… everyday kayong nag-uusap ng isang tao and you both send good morning and good night messages, you’ll hear him/her out thru good times and bad times, you’re always there beside that person, and you sacrifice your time masamahan lang siya. Masasabi mo bang romantic love na iyon, kahit na you’re simply just friends? Compared to a situation na minsan lang kayong magkita, minsan mo lang siyang makausap, but oh boy, you feel some deep connections! You’re willing to spend time too, sacrifice time too, hear them out ’til morning too, but it’s just a thought, walang practice. Puro thought and idea lang. Mako-consider mo bang romantic love na? Ano bang pinagkaiba?

Mahal mo na ba siya kapag hindi siya maalis sa isip mo? Mahal mo na ba siya kapag gustong gusto mo siyang makita every day? Mahal mo na ba siya kapag kinakabahan ka every time na magkikita kayo? Mahal mo na ba siya kapag nag-iimagine ka ng mga bagay-bagay sa inyong dalawa? How can you say it’s love?

Ah, balik tayo sa tanong ko. Paano mo masasabing mahal mo na ang isang tao? Dati naniniwala ako na walang reasons ang love. Kabilang ako sa mga taong sumagot noon na walang dahilan ang pag-ibig, walang sagot sa tanong, sadya mo na lang mararamdaman ito. Biglaan. Walang factors to take note. Smooth.

Pero mali. Meron pala talaga.

In my experience, basically, masasabi kong mahal mo na ang isang tao kapag inuuna mo ang kapakanan niya kaysa sa kapakanan mo. Siguro ito ang number one. Mas iniisip mo siya, kaysa sa’yo. Bigla kang mawawala sa eksena at tanging siya na lang ang nakapokus. Sa kaniya iikot ang lahat. Maging ang magiging desisyon mo, sa kaniyang nakasalalay. Ikaw ang magdedecide, hawak mo pa rin ang mundo mo, pero sa kaniya ka na nakatingin. Magiging selfless ka pag dating sa taong iyon. Isa pa, you’ll try to enter his/her world. you’ll be interested sa mga bagay na gusto niya. Susubukan mo ang mga bagay na ginagawa niya, and you’ll try to love it para lang masabayan mo siya. Gano’n eh. Selfless ka na kasi. Third, magkakaroon ka ng maraming oras. Pero sa sarili mo wala. Oo, dahil nga inuuna mo na siya at susubukan mo nang pasukin ang mundo niya, malilimutan mo na na may mundo ka rin. Kapag may nagtatanong kung busy ka, sasabihin mo palagi ay oo, pero para sa taong iyon ay hindi. You’ll make time. Tingin mo nga ay kulang pa nga ang pag-alay mo ng 24hrs para sa taong iyon.

But friends, lahat ng sinabi ko ay mali. Hindi dapat gano’n palagi. Kasi kung iyon ang gagawin mo, magiging miserable hindi lang ang buhay mo, kundi pati ang buhay ng taong mahal mo.

Yes, it’s okay to consider the person you (think you) love, pero hindi dapat sa lahat ng oras ay siya lang ang iisipin mo. What about you? What about the people around you? Ah, huwag mo siyang gawing mundo mo.

Ayos lang din na subukan mo ang mga hilig niya, but don’t forget na you have yours too. May hilig ka rin, may mga bagay ka rin na dapat gawin, at hindi iyon dapat nababalewala.

Tama lang din na bigyan mo siya ng oras, pero don’t only focus sa taong iyon. Huwag mong kalimutan na kailangan mo rin ng oras para sa iyong sarili, mga kaibigan at pamilya.

Kung talagang mahal mo ang isang tao, you’ll prove to every one na karapat-dapat ka para sa kaniya. You’ll give your best shots to become the very best version of yourself. Aayusin mo muna ang sarili mo, before trying to fix somebody. Aalisin mo muna ang lahat ng frustrations, disappointments, and insecurities bago ang sa kaniya. Pupunuan mo muna ang lahat ng pagkukulang mo, bago ang sa kaniya. Dapat ayos ka muna, bago ang lahat. You should be complete first for you to complete someone. \

All in all, kailangan matutunan mo munang mahalin ang sarili mo, bago ka magmahal ng iba.

Buti Sana Kung…

Habang naglalakad pauwi,
Tinanong nila ako isang beses.
Mukhang alam ko na, aking naisip.
“nakamove on ka na ba bes?”
“Kumusta naman ang puso mo?
Hindi na ba dumudugo?”

Ngumiti na lang ako bilang sagot
Hindi umimik sa kanilang tanong.
Hindi naman sila maniniwala kung sasabihin kong oo.

Oo.
Malayo na ang naihakbang ko
kaya ko nang lumingon nang hindi napapaitan
sa lasa ng iyong pekeng pagmamahal

Oo.
Naghilom na ang mga hiwa sa puso.
Kahit na puro plaster at tahi
kahit na nabugbog sa iyong binigay na sakit.

Oo.
Hindi na kita naiisip.
Pero minsan iniisip kita.
Inaalala ko kung gaano ako nagpakatanga.
Para sa susunod, hindi na mauulit.

Oo.
Hindi na nalulumbay tuwing gabi.
Sa mga oras na wala akong makasamang magkape.

Oo.
Hindi na.

Oo.
Hindi.

Ano pang dahilan para manatili?
Rason para ‘di umusad?
Para patuloy na magdugo ang kalooblooban?

Buti sana kung guwapo ka.
Buti kung mayaman.
Buti kung maganda ngiti mo.
Pati mga mata mo.

Buti sana kung tinanggap ako ng pamilya mo.
Noong panahong iniisip kong tayo na hanggang dulo.
Buti kung kinausap ako ng kapatid mo.
Tanda mo?
Buti sana kung kinausap mo ako
at dinamayan
noong panahong kailangan ko ng “someone”.

Buti sana kung pinahalagahan mo
ang mga bagay, pangyayari, mga luha
mga tawa at masasayang ala-ala
na naibigay ko sa’yo.

Buti sana kung marami kang naiambag
sa pagunlad ko bilang kaibigan
Bilang mamamayan.
Bilang babae.
Bilang tao.

Buti na lang ano?
Buti na lang hindi ako pihikan sa pagmamahal.
At ikaw ang napili ng puso kong bulag.
Sabagay, bulag nga eh.
Kaya hindi niya nakita sa umpisa pa lang…
Ako’y sasaktan mo lang.

Pero alam mo,
kung ginawa mo lang ang kaisa-isang “kung”
May dahilan sana ako para manatili.
May rason para ‘di umusad,
Para patuloy kang mahalin kahit mahirap.

Pero hindi eh.

Buti sana kung minahal mo ako ng totoo.

Siya, ang aking kailangan.

Siya na palaging nandiyan para magpasaya noong panahon na hindi ko alam kung paano ngumiti.

Siya na hindi ako binitawan kahit na hindi ko hiniling na ako’y kanyang kapitan.

Siya na nagbigay pag-asa noong mga oras na alam kong hindi ko na kaya.

Siya na naging sandalan ko at tumulong sa’kin na tumayo muli, ng mas tuwid, sa aking pagkakadapa.

Siya na patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas, tuwing naiisip ko na ang pagsuko na lang ang tanging kong magagawa dahil sobrang hirap na ng sitwasyon.

Siya na nagturo sa akin na maging positibo, kahit na ang mga pangyayari’y parang wala nang kahahantungan na mabuti.

Siya na nagsasabing hindi niya ako iiwan o pababayaan kahit kailan.

Siya na mahal na mahal, hindi lang ako, kundi lahat tayo — at naghihintay lamang na mahalin nati siya.

Siya, ang Panginoon at kataastaasan na hindi napapagod na magbigay, magpatawad, mahalin at tanggapin tayo ng buong puso kahit na minsan ay nakakalimutan at itinatanggi natin Siya sa harap ng maraming tao.

Siya lang ang kailanganin mo at ibibigay niya ang lahat ng nakabubuti sa’yo.

some things i want to do with you, r.m.

I think it would be nice if I wake up beside you on a bed on a rainy morning, covered by a blanket, talking, cuddling, kissing, making love, and we will stay like that until you say that we need to get up. And when afternoon comes, we will cook something to eat but we won’t just focus on eating but also staring at each other at the dining table the whole time, smiling, holding hands, absorbing each other’s love. At 7pm, we won’t bother to take some dinner coz we’re still full from our afternoon brunch, and we will just watch some random movies you’ll pick from the cd racks. We will stay awake until dawn, laughing out loud because of the corny jokes I am saying to you. And then I will sleep in your arms, will hug you so tight, will hope and pray that this kind of love would never end. And it would never ever end.

I think that would be not just nice, but wonderful.

— some things i want to do with you, r.m.

Space and Time

1 meter. The space between you and me.

You pulled me in the water, closer to you. The butterflies in my stomach were present once again. You then wrapped your arms around my waist, and made me locked my arms around your neck.

1 inch. The distance of our parted lips.

You smiled. You looked me in the eyes. You said I love you. Then smile again. I already knew what you were thinking and so I let myself descend under the water with you.

1 second. The time when your lips and mine collide.

You don’t waste a chance. You quickly grabbed my face and kissed my lips without hesitation. It was just only for a second. But for me it was a lifetime to remember.

I hope it could be you

I hope it could be you. The one to whom I wake up my every mornings with. Share morning breathes and smiles, and fill every coffee mugs on the kitchen table is the first thing I want to do with you in the morning. You’ll hug me from behind and whisper something to my ears. Your warm breathe will tickle me. And it will feel so good.

I hope it could be you. The one who will drive me to the grocery store. We’ll buy foods and other things that we don’t need because we just feel like buying it. We’ll run like we’re still kids chasing each other. And we’ll do it every Sunday or every day or every time that we have time.

I hope it could be you. The one whom I will have problems with. We’ll argue, we’ll need space, but then in the end, we’ll fix it and we will love each other more. You’ll ask me why’s and how’s and then we’ll say something, then you’ll hug me and then we will feel fine after. You will be one of the people to motivate me, give me strength, and hope in every challenge I/we will face. 

I hope it could be you. The one who will sing every love songs in your playlist. You’ll sing for me before we sleep, after we wake up, on the road, while doing the laundry, while walking hand in hand, and every time we’re together.

I hope it could be you. The one who will never leave me forever. The one who will stay by my side through ups and downs of my life. The one who will be my dreaming partner, prayer partner, and partner in everything that needs a partner.

I hope it could be you. The one who I will share my I love you’s — every morning, every night, every time we’re apart, and every moment when we have the chance to say it and prove it.

I hope it could be you. I wish it could be you. And I pray it could be you.

You are the first, You are the last.

You are the first boy who stared at her like that. You are the first boy who gave her smile and made her heart melt because of it. You are the first boy who gave her goosebumps just by sitting beside her. You are the first boy that made her conscious of her appearance and the reason why she checked her make up almost every five minutes. You are the first boy who offered her a ride home. You are the first boy who gave her flowers and chocolates in Valentines. You are the first boy that made her stay up all night, staring at the ceiling of her room, thinking many ‘what ifs’. You are the first boy, she had her first late night phone call with. You are the first boy who said the three magic words to her. You are the first boy who kissed her with full of love. You are the first boy who cared about her so much. You are the first boy who she shared her secrets with for the first time. You are the first boy, she thought who understand her. You are the first boy that gave her hope and made her strong despite of all the negative thoughts she have in life. You are the first boy she thinks who will never, ever leave her.

But you are the first boy who broke her heart. You are the first boy who hurt her, not physically but emotionally. You are the first boy that made her cry a river. You are the first boy who left and made her feel nothing after.

And you are the last boy, she promised you will be the last boy…. she will love.

Si M, si M, at si L.

I. Si M.

Bata pa lang ako siya ang kasama ko sa buhay. Hanggang ngayong malaki na ako, kahit na nakabukod na kami ng bahay, ay sa kanya pa din ako tumatakbo ‘pag may gusto akong ibalita. Siya, ang palaging umaalalay sa akin at nagdadala ng gamit ko nung kinder ako hanggang sa mag-elementary. Kung hindi pa nga nanganak ang asawa ng pinsan ko ay hindi pa ako matututong pumasok sa school ng mag-isa. Take note: walking distance lang naman ‘yon sa bahay. Siya na kasi ang nag-alaga don sa pamangkin ko kaya bigla aking naetchepwera.

Siya rin ang nag-aasikaso tuwing birthday ko. Siya ang taga-luto, taga-bili ng cake, taga bigay ng regalo at etc. Siya rin ang nakasama ko sa lahat ng programs at meetings sa school. Siya rin ang naka-attend ng lahat ng recognitions at graduations ko. Siya lahat ang nakasaksi ng importanteng kaganapan sa aking buhay. As in LAHAT.

In short, siya ang nag-alaga sa akin. Hindi lang sa akin, kundi sa aming magkakapatid. Kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pero hindi lang dahil sa pagkupkop sa amin, kundi dahil sa pagturing niya sa akin na higit pa sa tunay niyang anak.

 

II. Si M.

Bata pa lang ako, hindi ko na siya madalas makita. Hanggang ngayon, bihira lang kaming magkausap sa personal. Pero araw-araw naman kaming nagkakamustahan. Online, chat-chat, tawag-tawag lang ang peg. Pero siya, ang palaging nagbibigay ng payo sa akin. Sa totoo lang marami siyang kuwento, na ngayon ko lang nalaman, na talaga namang kinapupulutan ko ng aral.

Nung mag high school ako, siya na ang ‘tumutok’ sa pagbabayad ko ng bayarin sa eskwelahan. Ganon din nung makapag college ako hanggang sa ngayong wala na akong ginagwa kundi magtype ng magtype. Siya ang sumusuporta sa ‘ming pinansiyal — nagpapakagod na magtrabaho at nagtitiis sa pangungulila sa ibang bansa para lang makapagpadala ng pangkain.

Sa totoo lang, hanga ako sa kanya. Siya yung tipo ng taong gugustuhin ko, sa kabila ng minsang pagbubunganga niya, na maging katulad kapag ako’y lumaki na.

 

III. Si L.

Wala akong masiyadong ala-ala niya nung maliit pa ako. Ngayon ko na nga lang siya nakilala ng lubos eh, tapos bigla pa siyang kinuha agad pabalik Doon. Ayun tuloy, kaunti lang ang masasayang ala-ala na meron ako sa kanya.

Sabi nila, at ayon din sa pagkakakilala ko sa kanya, isa siyang mabait na tao. Sobrang bait na kahit hindi niya masiyadong kakilala ay papautangin pa niya ng kahit na magkano. Naalala ko tuloy, palagi niya kaming binibigyan ng pera tuwing makukuha niya ang pera niya sa SSS. At dahil don, kapag alam ko nang malapit na ang araw na iyon ay bigla na lang akong babait sa kanya. Hihi. Madalas ko kasi siyang kontrahin.

Mahilig ngumiti si L. Ang huling naaalala ko nga, at palagi kong nakikita sa panaginip ko ay ang mukha niyang nakangiti – yung masaya. Sobrang saya niya don. Hindi ko pa yata siya nakitang nagalit ng sobra o kaya’y umiyak. Basta palagi siyang nakangiti at masaya.

Ah oo nga pala, si L, ang nag-iisang N ng dalawa kong M. Kung hindi dahil sa kanya, wala akong matatawag na Mommy at Mama. Kung hindi dahil sa kanya malamang wala ako, kami. Kung hindi dahil kay Lola ay hindi ko magagawa ang isang paksa na ito na nagpapatungkol sa kanilang pagkatao.

Iba-iba man ang personalidad nila, hindi man sila pare-pareho ng nagawa, may mas matagal man akong nakasama sa kanila o kinikilala ko pa lang ngayon, para sa akin pantay pantay lang sila.

Pare-pareho silang dapat pasalamatan, pare-pareho silang dapat igalang, pare-pareho ko silang mahal.

Salamat sa lahat. Sana manatili kayo sa tabi ko ano man ang mangyari. At sana masabi ko sa inyo ‘to ng personal na hindi man lang nahihiya’ naiilang…

M, M, at L, mahal ko po kayo.

 

Hating myself…

I hate you for making me feel this way.

I hate you for not caring about me.

I hate you for being so insensitive.

I hate you for saying you love me when you don’t mean it.

I hate you for acting as if nothing happened.

I hate you for smiling in front of me while I’m crying.

I hate you for doing this to me.

I hate you for hurting me.

And I hate myself… for loving a person like you.

I smiled. I cried.

“Promise?”

“Promise.”

You said you’ll always love me. You said you’ll never gonna leave me. You even said that you’ll never forget me. And you said that, together, we will always be happy. I smiled, hoping that what you’ve said to me were true.

“You promised. Right?”

“Yeah. But I’m sorry.”

You said you’re sorry. You said you didn’t mean to hurt me. You even said that it wasn’t you who I destined to love. And you said that we should stop this relationship we have. I cried, hoping that what you’ve said to me weren’t true.