Movie Reaction: Kuwaresma

Take note: reaction lang this, not totally a review. but I think I would also like to give some insights about the overall (most in some parts) of the movie. So here, let’s start.

“Kwaresma is a new horror film of Erik Matti released on May 15, 2019. He is the director and also the writer of the movie. It tackles about the mysterious death of Manuela and the possesed ‘house’. Her twin, Luis, went home to attend the funeral and was welcomed by Rebecca and Arturo, their parents. Not long after, Luis was haunted and bugged by the unrested spirit not just of Manuela, but also some unknown spirits in the house.”

So basically sa trailer naipakita ‘yon, set din in early 1980s, though I expected na mas magfofocus kay Manuela yung story.

Actually, ang daming tanong sa isip ko nung matapos yung film. Medyo marami rin kasing elements na lumabas sa movie na kung iisipin, okay lang kahit wala na do’n. For example na lang yung maraming flashbacks and details ng ilang characters na hindi nabigyan ng justification sa dulo.

Sabi ni dude na kasama kong manood, “maraming tanong kasi maraming laman” kaya medyo nagkanda gulo-gulo yung utak ko. By the way, may nabasa rin kasi akong review na pang “brainy” lang daw yung movie, so feeling ko hindi lang kami brainy enough to really get the meaning or purpose ng ilang elements do’n na pinakita? Lalo na yung isang riddle do’n, hanggang ngayon iniisip ko siya e. Hmmm. But… oh well, this is my reaction. Hehe.

Also, (this may contain spoiler sa mga hindi pa nakakanood hehehe) okay na sana ako sa kwento lang ni Manuela. Tipong malaman lang yung totoong nangyari sa kanya, kaso nalagyan ng iba pang side & back story, so medyo humaba ng kaunti at nawala na yung focus do’n sa Character. Bumalik na lang sa dulo.

Yung pag-execute at pagtagpi-tagpi ng ilang scenes medyo disturbing for me. Lalo na sa character ni Luis. Parang… hindi ba niya naisip yon no’ng una pa lang? How come nakalimutan niya eh araw-araw niyang nakikita ang sarili niya? Gano’n. (ayaw ko magbigay ng spoiler e kaya ‘di ko mabanggit hahaha)

I understand, sobrang daming ideas ng creators do’n sa movie, I think hindi lang na-compress sa almost 2hrs na haba. Siguro kung gagawin pang mas mahaba or babawasan ng ilang eksenang keri naman kahit wala, mas malilinis ng bahagya. Ang dami rin scenes kasi na nainip ako, saka may ilan din na na-feel ko yung pagka-trying hard manakot ng audience.

May narinig akong comment after lumabas ng cinema na the movie was somehow unorganized, kasi nga there are so many elements na bigla-biglang nagpopop out of nowhere. And those biglaang revelations inside the revelations inside the revelations seemed overwhelming in a negative way. Too many infos in a too short period of time.

I am not sure if kaya gano’n ay dahil may nabasa akong article na madalian ang shoot nitong movie na ito. It was the fastest shoot the director was done, tipong gano’n. They started October 2018, according to the article, and the movie was released May 2019. The preparation and creation was truly so short nga. Though the positive side of it, kaya naman pala na makapag-produced ng gano’ng movie, however huwag lang pansinin ang mga nega sides. So ayun, still kudos to the people behind the movie!

Oo nga pala, there are some scenes sa trailer na inabangan ko sa movie pero wala. I was sure hindi talaga siya nasama e, or… nakaligtaan ko lang? Hehe. Pero wala talaga iiihhh. Baka nando’n sa director’s cut? Not sure.

Sa mga actors naman, napansin kong parang robot magsalita ang iba. Feeling ko na-overpower sila ni Mr. John Arcilla. Ang galing niya do’n grabe. Kapag siya na yung kasama sa eksena nagiging invisible yung kasama niya kahit hindi nakapokus sa kanya yung camera.

Storywise, okay lang. Ang dami ko kasing nababasang medyo oa yung review na super ganda raw. But it’s their opinion, for me saktuhan lang gano’n.

In terms of cinematography and the overall horror vibes, good. Napakita naman na it was set in earlier times and creepy na house.

Music and sounds, swak sa bawat eksena. Naghanap lang ako ng ilang pang jumpscares pa sana pero keri na. Gusto ko yung song sa umpisa. :)

Siguro kung ira-rate ko ‘to from 1-10 I am going to give this movie 5.

I may say that is not the best of Erik Matti but I am still looking forward to more of his movie. :)

P.S.

I am also still looking for a local horror/mystery movie that will level Bliss of Jerrold Tarog in terms of the plot, cinematography, acting, and the unforgettable effect it brought me.