Kung tayo man ay magkitang muli,

Marahil ay tititigan muna kita mula sa malayo. Nanamnamin ko ang kakarampot na lamang na distansya kung ikukumpara sa mga araw na hindi kita natatanaw. Pag-aaralan ko ang mga kilos mo, kung gaano na nagbago ang paggalaw ng iyong mga labi sa tuwing ngingiti o uusap. O kung gaano pa kabilis o kabagal na ang iyong pagkurap. Pagmamasdan ko rin ang iyong katawan na pinagtibay, o maaaring pinahina ng mga karanasan mo sa buhay. Saka ako maglalakad ng dahan-dahan papalapit sa iyo.

Marahil ay susubukan kong tantiyahin ang magiging reaksyon ko, o mo, kung magkaharap na tayo. Pag-iisipan kong mabuti kung ano ang magandang sabihin dahil siguradong sa mga oras na iyon ay hindi ko pa rin alam kung ang una ko bang sasambitin ay ang kumusta, o ang salitang bakit? Isang tanong na hindi kailanman lumisan sa aking isipan, nanghihingi ng maraming kasagutan na ikaw lamang ang makapagbibigay. Hihinga ako ng malalim, at ako’y makikinig.

Marahil ay hindi mo na rin matatandaan — dahil kung ako ang tatanungin ay nilimot ko na — ang sasandaling oras sa piling mo na masasabi kong masaya kahit papaano. Sabay nating babalikan ang nakaraan gamit ang pag-alala. Iisa-isahin natin ang mga hindi magandang pangyayari, at susubukan nating intindihin ang lahat… lalo na ang dahilan ng iyong pang-iiwan.

Marahil ay yayakapin kita ng mahigpit. Isang yakap na sa panaginip ko lamang nagagawa sa tuwing ako’y nangungulila sa isang katulad mo. Pipikit ako at ihehele kita sa iyong paboritong awitin (kahit hindi ko alam kung ano ang iyong paborito) gamit ang boses na ibinahagi mo sa akin. Susubukan kong bumuo ng isa pang ala-ala na kasama ka.

At kung tayo man ay magkitang muli, hahalik ako sa iyong pisngi sabay bubulong ng maligayang bati…

Nawa ay tunay kang maligaya ngayon, Papa.

A Letter To My Father…

It’s been so long since we’ve seen each other for years. And I wonder how you were doing right now. I might not text you or call you through my phone just to greet you a Happy Father’s day today just because I don’t have the guts and the other reason is, I don’t know how and where to contact you.

 

I am wondering if you still missing us, or if you still remember us even for a minute or two. Are you thinking of us like I am doing? Are you hoping too that maybe someday, we still have the opportunity to have some time together? … Maybe not. `coz I know that you’re very happy right now in someone else’s arms….

 

By this time, I don’t want to cry because there no reason for me to do so, but I just can’t help it. My tears are automatically falling while typing this message that you can never read. I am shy to admit that I really missed you so much…

 

Even though you’ve done something that brought us pain, still, you are my father and I’m still your daughter.  I am being emotional by this time and I hate this feeling. I hope that you’re doing fine today and please do take care of yourself more.

 

I Love you Papa.

 

Love lots,

Rizza

 

 

 

Happy father’s Day to all fathers in the world!!! :)