pagkasabik

ix.iv.xviii

umiiyak na naman ang langit.
kasabay ng pagtamlay ng buong paligid
ang paglaho ng kulay sa mga bulaklak,
sa kalangitan,
sa kabundukan,
at sa mga matang dati-rati’y puno ng sigla
sa tuwing masisilayan ang isang ngiti,
maririnig ang isang tinig,
at mapapalagay sa isang natatanging piling.

napaisip, gaano na nga ba katagal?
noong huling nasilayan ang liwanag,
huling naramdaman ang init sa mga balat –
ng nagliliyab na araw,
o dagitab ng isang nilalang,
at ang sinabing hindi magmamaliw na nararamdaman.

muli kong pinag-aralan kung paano —
paanong tahimik lang na nahuhulog ang mga luha ng langit
sa malamig na aspaltong pinagpapahingahan.
ang maliliit nitong mga patak ay dinama.
pawang nagmistulang mga talulot ng bulaklak sa gaan.
ngunit nakasusugat sa pagtagal.

nagbabakasakaling dito matututunan –
kung paano at kailan muling mahuhulog
magtitiwala
at aasa sa isang kasiyahan na matagal nang kinalimutan
— ng walang pangamba at pagaalinlangan.
gaya ng ulan.

umiiyak na naman ang langit.
ang mga dahon ay nagsisiawit ng pasasalamat,
habang sila’y nananabik sa muling pagsikat ng araw.
katumbas ng pagkasabik kong makaramdam muli —
ng sakit na may halong ligaya,
o kaya ang lumuha ng may dahilan.

i lik–$?2(*!;”@@ u too ???

i like the way you act
and your shyness that i see.
i like the sound of your voice
and your laugh that’s so deep.
i like the bags under your eyes,
most specially when you smile.
and of course, your eyes
when they’re looking into mine.

i like it even though you forget
some details about me,
and when you try to remember
the things you don’t know about yet.
i like it even though i think
you will also disappear.
and soon you’ll run away,
and will leave me like they did.

~ r.m.

Ilang “thoughts” at kadramahan

March na, and time is really passing by so fast! Dahil wala akong magawa at naisipan kong mag-stay lang sa bahay today, I decided to compile some of my “thoughts” entries ko sa “notes” ng aking phone here, in case, magloko ng tuluyan ang aking phone.

Whenever I’m alone, or while on the way to office, I think of some things and ideas that really matter to me. Nakakatawang basahin yung iba, becasue sobrang negative at talagang makikita mong nasa down moments ako, but the other notes seemed okay, and very uplifting. I suddenly realized na ang dami ko na palang nare-realize, and then kapag bumabalik ulit ako sa down state, nalilimutan ko yung mga na-realize ko na. It’s really true that we always learn something from our experiences, but eventually, kapag may nakapagpadown ulit sa atin ten times of the previous, nalilimutan natin yung mga lesson na nakuha natin do’n.

Well, I just like to share to this blog some of my thoughts, starting from July last year. Some of them, you may find so random, and uhm, i guess a bit odd. I’ll also try to remember the exact feeling and the reason why I wrote that.

“July 11, 2017

The one person who you always thought would be there in your up and down moments will slowly fade and drift away. I guess this is a part of being a fully-grown adult, from which an aspect of your life is eventually narrowing, where letting people go and them leaving you would just become normal. In the end you don’t have a choice, but to comprehend and accept the fact that people are not meant to stay.”

Well, uh, in this thought, I think I was experiencing an extreme separation anxiety from the people I used to be with before graduation. I must say now, hindi pala dapat “narrowing” yung term ko. I should have used the term “expanding/broadening” kasi lumalawak yung pangunawa mo. I guess what I meant in “narrowing” is nababawasan ang mga tao sa buhay mo, but that’s okay, kasi ang matitira na lang ay yung mga kailangan mo at kailangan ka.

“July 25, 2017

One factor why we are hurting is because we assume for things that doesn’t really exist – a feeling, an attention, a romantic relationship that’s actually sympathetic.

Sometimes, we only make our own heartaches.”

Oh well, things were really confusing before and people are making it more complicated. I was torn between two people I had feelings with.

“August 11, 2017

How is it illogical to compare your interest in buying books to your interest of getting inked? Pareho mo silang desire, kaya same-same lang. Iyon iyon. Whether it’s not for investment, it’s for yourself naman. You’re fulfilling your satisfaction. Bakit kailangan lahat ng gagawin mo nakabubuti sa ekonomiya?”

Oh, I remember this. My brother and I were arguing about his partner getting inked. He got mad because his partner got a tattoo, and I said that’s okay, let his partner do whatever his partner wants. I compared it to someone’s interest to buy books that that someone really wanted. Sabi ko, ‘di ba kapag gustong gusto mo, bibilhin mo? And you’ll be happy kapag nabili mo na. Then he said, it’s different. Kasi yung books, pwede mong maging investment, may makukuha kang knowledge na pwede mo i-share sa iba. Sa pagta-tattoo daw wala, mag-aaksaya ka lang ng pera. He didn’t get my point. What I’m saying is, yung “joy/happiness” na makukuha mo kapag nagawa mo yung gusto mo / nabili mo yung gusto mo. I was really mad kasi hindi siya nagpapatalo, pinasok pa niya ang politika. Syempre, ang ending, siya na ang may last say kasi wala na akong masasabi kapag may usaping politika na. But in the end naman, wala siyang nagawa kundi tanggapin na may tattoo na yung artner niya e. Mehehe.

“August 17, 2017

blank mind, occupied feelings

tho it weigh to much, i feel like flying.

am i just confused? i don’t know

nothing is having sense now.”

Ah, the moment when I was having a hard time thinking if I should be continuing what I started. I really wanted to do something else, pero hindi ko alam paano ako magsisimula at kung ano ang mangyayari if ever itigil ko man ang ginagawa ko — work related. Hahaha

“August 5, 2017

For  a moment she thought

everything is real.

In that fleeting time it brought

too many feels.

She refused to get hurt

that’s why she’s stopping (trying to)

Though it all seemed to blur

her hope’s still knocking (even if she doesn’t want it to)”

Love. Let us all blame it to love. Hahaha! But I guess, hindi pa naman siguro “love” yung nafefeel ko no’n. Lonely lang siguro ako, at, longing.

“August 20, 2017

Naniniwala pa rin ako sa sinasabi nilang bumabalik ang pagmamahal.”

Hindi ito yung buong entry, but this is the whole thought. Ewan, ang drama ko nito. Na-realize ko na kahit ilang beses akong balewalain, I’ll still be that same person na pwede mong puntahan uli to be a friend, kahit ilang beses mo pang iwanan para sa iba. Kasi naniniwala ako, na kapag ako naman yung umalis, mayroon pa ring tatanggap sa akin.

“September 13, 2017

Bakit nga ba tayo nananatili at umaasang lahat ng ginagawa natin sa iba ay babalik? Malasakit pa rin ba ang tawag do’n o pagmamahal kung iyon ang nasa isip natin?”

See. Wala pang isang buwan, kinontra ko na agad ang sinabi ko sa last note. Ang funny talaga ng mind natin mag-create ng iisipin just because sa pangyayari.

“November 12, 2017

Isang salop ng pagdududa

Ga-kutsritang pag-asa

Mala-dagat na kaba,

ang lumulunod sa kaniya.

Tatlong dipa sa pagkakamali,

matinding takot na ‘di maikukubli

Milyong kilometrong layo sa tagumay

at mga paang pagal na sa paghakbang.”

I think things went well for a month, kasi wala akong thoughts nung October. But of course, may mga point pa rin talaga sa life natin na magiging down tayo ulit, at magdududa tayo ulit, at manghihina tayo ulit. Tapos magiging okay, and then babalik sa hindi pagiging okay. Ang hirap pala talagang ma-achieve ang stable na mindset.

“December 22, 2017

Pwede pa rin pala ‘yon. you can still love a person even though wala na kayong label. You can still care for a person, and you still have the rights to be concerned kahit wala ka ng papel sa buhay niya. 

Free naman kasing makaramdam ng love e.”

I can’t exactly remember why I wrote this. I think because I got a chance to see an old friend and we were talking about her ex? Hahaha!

“December 27, 2017

Bakit ba napakahirap na maging totoo sa nararamdaman? Yung tipong gusto mong humindi, pero dahil iniisip mo ang magiging epekto nito sa taong hihindian mo ay mapapa-oo ka na lang. Kompromiso. Palagi kang nakokompromiso. Ikaw palagi ang nag-aadjust sa sitwasyon. At kahit ikaw na mismo ang nahihirapan ay gagawin mo pa rin, kahit hindi talaga okay sa’yo. Pagpapakaplastik ba ‘yon? O pagmamalasakit? Pagpapakamartir ba ‘yon? O pagmamahal? Nakakalito. Minsan masarap na lang magsawalambahala ng lahat e.”

Confused na naman ako nung time na ito. I couldn’t recognize which is which anymore. At hindi ko matandaan bakit ako nagda-drama. Ito yata yung time na… merong bumalik? And I’m not sure kung gusto kong tanggapin ulit. But because iniisip ko ang mararamdaman niya, tinanggap ko uli.

“January 17, 2018

Tao lang ako, magkakamali ako. Pero kahit anong mangyari, desisiyon ko ito.

Yah. That’s the best that I’ve heard this day. Totoo. Sa bawat pagkakamali, bawat sakit, bawat pagkakadapa, desisiyon natin ‘yon. Tayo ang may gawa no’n. At tayo ang mag-e-earn ng lessons sa mga nangyari. And that’s good. :)”

I was listening to a radio show. Yung scenario ata is, pinagbabawalan nung kuya yung kapatid niya na mag boyfriend. Silang dalawa na lang kasi. Then si kapatid ayaw ng magpadikta at gusto ng sundin ang puso. Hindi ko nalaman ang ending, kasi kailangan ko ng bumaba ng uv. But yung line na ‘yan ang tumatak sa akin.

“January 27, 2018

littered —

just like pieces of paper,

all dusty, all crumpled;

a forgotten coin in a losr waallet,

and a rusty tin can in a bucket.

this thing i don’t understand

it makes me lost, oh my mind.

do i have a place in anyone’s heart?

coz i cannot find in mine.”

See how my mood in just 10 days can change. Hahaha! From being positive again to becoming negative. Is it natural?

“February 6, 2018

It’s all in  my head. Everything that I thought and feel is in my head. All produced by my mind. Kaya ako nasasaktan, kaya ako nafu-frustrate. it’s because iniisip kong nasasaktan at nafu-frustrate ako. Dapat kung nasasaktan ako, I should try healing myself. If nafu-frustrate ako, I should try harder, or do something to not feel frustrated. It’s me. Ako lang talaga ang problema. I complicate things and I hate it.”

Obviously, I’m trying to lift up myself. Kinakain na kasi ako ng mga iniisip ko. Nireremind ko ang sarili ko na hindi naman magulo, ako lang ang nagpapagulo. At kung magulo, dapat kayanin kong ayusin, dapat kong ayusin.

But the next days, I still feel down. Ayaw kong pumasok no’n, pero wala akong choice kundi pumasok at gawin ang mga dapat kong gawin.

“February 16, 2018

Dear old self,

I don’t know if you’ll be disappointed or proud of what you have become now, but I hope you won’t stop achieving greater things in life. 

Things might be difficult for you in the days to come, but I swear, it will all be fine one day. I hope by then, you could make up your mind and follow the path you would really like to take in the first place. I hope you would not let the opportunity to just sit there, and eventually fade in time. I hope you cam really do the things you love, and I hope you would not give up on reaching them one by one.

And oh, please do take care and prepare yourself for there will be many heartbreaks on the road.”

Again, exactly 10 days, I decided to write to my old self, in a parallel universe, just in case she really exists. and just in case she still have the chance to change anything. I’m not saying that I want to change everything, and that I regret the things I did. But I wish, she will have the courage to do and take things I couldn’t before.

“February 20, 2018

She was the tough one

a rock that blocks the waves

the bamboo on a stormy day

the little child who’s still awake in the middle of the night.

it’s okay, that’s what she always says

because she knew that everything fades

she knew how to act in different stages

but about everything, she didn’t knew.

She was the tough one.

though one day, she’s not anymore.

she wanted to cry for help, just once

however, her voice seemed to run out.”

Re-reading all of the notes tell me that moods, emotions, and feelings are all temporary. one day, you’re feeling okay, then the next, you’re not. But at the end of it, it’s how you manage is what’s important.

Ang dami ko pang thoughts entries, pero hindi ko na sinama yung iba. Tungkol lang naman yun sa nagdududa kong nararamdaman sa isang tao. Mapanlinlang ang damdamin, friends.

X.XVIII.XVII

For that short period of time i have felt alive.

Wore all those high hopes and smiles.

Got exhilarated every waking day,

With the thought that he was going to stay.

I would wait for his stares, every dismissal time,
and those timid smile he tries to hide.

My feelings got deep, i won’t even deny.

For every time i see him, I fly.

However, suddenly, it all stopped.
I guess we were both at fault, or not?

I’d like to think the timing’s not just right

And for now, this isn’t worth to fight.

The exchange of chats that kept me going;
The sending of random pictures and selfies;

The fighting over some nonsense things;

Those are the ones, perhaps, I’m gonna miss.

I should’ve held his hand sooner,
But I’m glad I got the chance to look at him closer.

Even though that moment, the silence won over,

that last day of August, I will surely treasure.

So now it’s time to say farewell,
For that something that was not really there.

Farewell to the chances we didn’t take.

Farewell to the love that was never made.

Kung naipagtanggol lang sana kita sa kanila

tumblr_odr4rplv9u1sjc2x6o1_1280

Sa aking kaarawan, kasama sana kita
ngunit ang mga nakamaskara, kinuha ka
“Huwag mo siyang sasaktan, ako na lang”
ang huli mong hiyaw bago ka magpaalam

isang likhang sining at maikling akda para mga magulang na lubus-lubusan ang pagmamahal sa kanilang mga anak

(late upload: mother and child entry for Maningning Miclat Art Competition 2016, 18×24 Acrylic on Canvas)

Buti Sana Kung…

Habang naglalakad pauwi,
Tinanong nila ako isang beses.
Mukhang alam ko na, aking naisip.
“nakamove on ka na ba bes?”
“Kumusta naman ang puso mo?
Hindi na ba dumudugo?”

Ngumiti na lang ako bilang sagot
Hindi umimik sa kanilang tanong.
Hindi naman sila maniniwala kung sasabihin kong oo.

Oo.
Malayo na ang naihakbang ko
kaya ko nang lumingon nang hindi napapaitan
sa lasa ng iyong pekeng pagmamahal

Oo.
Naghilom na ang mga hiwa sa puso.
Kahit na puro plaster at tahi
kahit na nabugbog sa iyong binigay na sakit.

Oo.
Hindi na kita naiisip.
Pero minsan iniisip kita.
Inaalala ko kung gaano ako nagpakatanga.
Para sa susunod, hindi na mauulit.

Oo.
Hindi na nalulumbay tuwing gabi.
Sa mga oras na wala akong makasamang magkape.

Oo.
Hindi na.

Oo.
Hindi.

Ano pang dahilan para manatili?
Rason para ‘di umusad?
Para patuloy na magdugo ang kalooblooban?

Buti sana kung guwapo ka.
Buti kung mayaman.
Buti kung maganda ngiti mo.
Pati mga mata mo.

Buti sana kung tinanggap ako ng pamilya mo.
Noong panahong iniisip kong tayo na hanggang dulo.
Buti kung kinausap ako ng kapatid mo.
Tanda mo?
Buti sana kung kinausap mo ako
at dinamayan
noong panahong kailangan ko ng “someone”.

Buti sana kung pinahalagahan mo
ang mga bagay, pangyayari, mga luha
mga tawa at masasayang ala-ala
na naibigay ko sa’yo.

Buti sana kung marami kang naiambag
sa pagunlad ko bilang kaibigan
Bilang mamamayan.
Bilang babae.
Bilang tao.

Buti na lang ano?
Buti na lang hindi ako pihikan sa pagmamahal.
At ikaw ang napili ng puso kong bulag.
Sabagay, bulag nga eh.
Kaya hindi niya nakita sa umpisa pa lang…
Ako’y sasaktan mo lang.

Pero alam mo,
kung ginawa mo lang ang kaisa-isang “kung”
May dahilan sana ako para manatili.
May rason para ‘di umusad,
Para patuloy kang mahalin kahit mahirap.

Pero hindi eh.

Buti sana kung minahal mo ako ng totoo.

Pinilit… pinipilit (Isang tula na dahil sa’yo, hindi para sa’yo)

Di ko na mabilang —
Siguro’y sinadya na ring kalimutan
— ang mga araw na nagdaan
Na wala ka sa isipan
At sa aking tabi,
Tuwing gabi,
Tuwing naiinip,
At naghahanap ng sasagip
Sa aking sarili.

Ngunit sa bawat araw
At bawat sandali
Na ninais kong ilimbag
At isulat sa papel
Ang damdamin kong nagliliyab
Upang maibsan ang bigat
ay nasisilip ka sa mga letra
Mga salita, mga talata
Na dati’y iyong tinitirhan
Ngunit iyong nilisan.
Awtomatik na lumalabo’t
Nawawalang saysay
Ang mga paningin
at mga kamay
Na pawang ‘di na alam
kung anong silbi nila sa katawan.

Isang beses rin nakita ko,
Hindi sinasadya ito,
Ang mga lumang litrato mo
(Natin, dahil kasama ako)
na nasa loob na ng sobreng
mukhang mas bago pa
Kaysa sa nalimot mong pangako.
Doon napagmasdan ko
(Doon lamang, tunay na nakalulungkot)
Sa larawan na may ngiti mo
— ngiti ng iyong mga labi,
Mga mata at puso —
Kung paanong ang isang tao’y
Maaaring maging maligaya’t
makaramdam ng pagmamahal
Ng walang katapusan.

Lumipas ang buwan;
Ang mga oras ay humaba.
Lumalim, lumamig
Lalong ‘di alintana
Ang mga itinagong sakit,
Mga tinakpang butas
Gamit lamang ang pagtawa.
Nakangiti akong lumabas,
Magiliw na naglakad,
Halos kawayan ang lahat,
Upang ipakitang wala nang sugat
Wala ring peklat
Na dulot ng iyong pang iiwan.

Kaso, palaging may kaso.
Dahil nakadaumpalad ko
ang isa sa kakilala mo.
Muli ka niyang hinanap
Tinanong at kinamusta.
Ngumiti ako ng masigla
Inakalang ayos na
Kaya ko na
Nalimot ko na.
Ngunit ako na nama’y nawala
Naubusan ng sasabihin
At mga dahilan
Sa hindi ko sinasadyang
pag-babalik tanaw
Sa sinubukan
At pinilit
na binura kong ala-ala.

 

Isang tula, dalawang kataga: “Kailangan kita”

“kailangan kita,” sabi mo.
Tinignan ka niya sa mga mata,
Hinawakan ang iyong mga palad
At sinabing “nandito lang ako.”
Sinalo niya ang iyong mga luha
Habang pasan rin ang iyong dinadala.
Sinabayan ka niya sa iyong paglalakad

– Hindi ka niya hinayaang mag-isa.

Pagkaraan ng mga araw,
Naging matatag ka.
Kaya mo na ang iyong sarili,
Kaya mo nang wala siya.
‘di nagtagal, ikaw ay kaniyang tinanong,
“ayos ka na ba?”
At ngumiti ka bilang sagot.
Simulo noon ay alam na niya

– Hindi mo na siya kailangan.

 

“kailangan kita,” sabi niya isang araw.
Tinignan ka niya sa iyong mga mata,
Ngunit tinitigan mo lang siya.
Ang kanyang mga palad,
naghihintay ng may hahawak.
Umaasa siyang sasaluhin mo rin
Ang kaniyang mga luhang
bumabagsak.

Ngunit wala ka.
Hindi mo siya sinamahan,
Hindi mo siya sinabayan
Sa paglangoy sa lawa
ng mabibigat na problema.

Mag-isa siyang sumuong.
Mag-isang sumuko.
Gusto niyang kayanin, ngunit
hindi nangyari

– naubos ang kaniyang lakas
dahil ibinigay niya lahat sa’yo.

Masaya ka sa kadahilanang nahanap mo siya
Ang tao na sa iyo’y muling magpapasaya
Sa tagal na nanlamig ang tulog mong puso
Umaasa ka na sana ang kasiyahan na ito’y di na maglaho

Tumagal ng buwan, isa, tatlo, lima
Masaya ka na naman dahil nalagpasan mo yung una
Pero di nagtagal nagkaroon ng maliit na problema
At ang problema na iyon, dala dala mo hanggang sa kama

Hindi ka mapakali, araw-araw tuliro
Gusto mo siyang kausapin ngunit ayaw mo ng gulo
Kaya’t hinayaan mo lang at ika’y nagbulagbulagan
Habang siya nama’y nagpapakamakasalanan

Masaya ka sa kadahilanang nahanap mo siya
Ang tao na sa iyo’y muling magpapasaya
Subalit ngayon na nasasaktan ka na
Hahayaan mo pa bang magpatuloy ang sakit na sa iyo’y dulot niya?

Isa lang ang masasabi ko sa huling talata nito
Hindi lahat ng kasiyahan ay magtatagal hanggang dulo
Pinaranas lang iyan para mapagaan ang iyong loob
Dahil kung sasabihin ko ng totoo, sa huli’y lahat tayo’y lulungkot

Mawawala ka
Mawawala siya
Lahat tayo’y mawawala

Walang matitira sa mundong ibabaw
Walang matitira ni isang kasiyahan
Iyon lang ang hindi nagbabago
Lahat ng bagay ay maglalaho

isang paalala sa taong hindi pa namumulat sa katotohanan, pakiusap gumising ka na

I don’t care anymore.

No. Not the way you think.

What I’m saying is,

I don’t care whether you don’t care to me like I do.

I don’t care if you don’t love me, too.

I don’t care if you don’t want me.

I don’t care if you don’t talk to me.

I don’t care if you don’t text me first.

I don’t care if you don’t don’t wanna see me,

and don’t wanna be with.

Call me martyr. I just don’t care.