Gawa ng memories ni peysbuk…


My hardest heartbreak happened three yrs ago. It was month of April when my daddy died, and also, happened to be the month I broke up with my 1st ever legal ex. Sakto pa sa 2nd anniv namin ‘yon kaya matindi yung sakit. Mabigat din ang load ng gawain sa school, and everything so… halo-halo na.

Things were worst nung time na ‘to. As in parang every day, ayoko na gumising kasi ang hirap harapin yung kada araw na puro pain lang naman yung nararamdaman mo. Hindi ko alam paano mag co-cope up that time. Masyadong mabigat yung alon ng emosyon no’n sa akin, tangay-tangay lang ako lagi, malapit-lapit nang malunod. Mabuti nalang talaga nadivert ang attention ko sa maraming bagay tulad ng school works, etc. pero kapag mag-isa ako, gumagapang yung kalungkutan. Parang multo na nagpapapansin sa horror movie, gano’n.

Ilang beses ko rin yata napeke yung ngiti ko no’n. Syempre, ayokong ipakita sa kanila na hindi ako okay, kasi nakakahawa yung pagiging down e. Mas gusto kong mag-spread ng positivity kaysa ma-nega lahat ng nakakasalamuha ko so ayun… pretend, pretend tayo hangga’t kaya. Strong naman ‘to e. Tho, may times na hindi ko mapigilan talaga at iiyak na lang bigla. Like one time, naalala ko, bigla akong umiyak sa kalagitnaan ng pag-uusap ng mga classmates. Gano’n ka-random. Hehe. Buti naiiintindihan nila yung dahilan. Kaya super thankful ako sa mga kaibigan kong hindi ako iniwan noon, hanggang ngayon. Lumipas ang mga araw, naging okay naman.

Nakatulong din ang pagsusulat sa akin. Nakagawa ako ng isang novelette no’n dahil sa pain na nararamdaman ko, at ilang tula na medyo cringy na kung babasahin ngayon. Hehe. Tapos… pagkanta. Videoke to the max, kahit nakakarindi na yung boses ko, mailabas ko lang yung hinanakit na meron sa loob. Then syempre, prayers. Hindi ako religious person, alam ng marami ‘yan, but I have faith. So binuhos ko rin lahat ‘yon sa dasal. Na sana mawala na lahat ng feelings… na actually ’til now dinarasal ko pa rin. Ang hirap kapag nararamdaman mo lahat e. Nyaha.

Sa totoo lang, nahirapan talaga ako sa isang ito:

Pagtanggap.

…sa mga nangyari.

Sobrang hirap. As in every day akong nagtatanong before. Bakit masakit? Bakit siya pa? Bakit ako? Kaya sobrang hirap tumanggap noon kasi hindi ko alam ang sagot, e.

Tapos ang nakakatawa, ang mas mahirap tanggapin ay ‘yong break-up namin ng ex ko. Why? Well actually sa isang post ko rin ‘yon nasulat. Para sa akin kasi, mas madaling tanggapin ang sakit na lungkot ang kasama, kaysa sa sakit na may sama ng loob. Yung pangalawa yung sa kaniya.

Itong post na ito (screenshot sa taas), ang natatandaan ko e tinanong ko ang isang friend kung buburahin ko na ba ang mga pics namin ni ex. ilang buwan na ‘yon ang nakalilipas a. Bitter-bitter pa rin ako. Then, itong si friend, patola… ‘yan ang sagot niya. Napangisi ako after. Kasi oo nga, kung ang ititira ko yung totoo, mahihirapan akong magmove-on. True naman kasi, e. Kasi malulungkot ka na tapos na, o kaya maiisip mo na okay naman e bakit natapos? Pero kung pipiliin mong itira yung alam nong hindi totoo (mga moments na feel mo napilitan lang siya na samahan ka), o kaya tignan yung masakit lang na part, makakamove-on ka agad. Why uli? kasi doon mo marerealize na may much better do’n.

Kaya peke yung inyo, kasi may totoo sa iba; Kaya masakit ngayon, kasi may ligaya pagdating ng araw.

Nung ginawa ko iyon, doon ko nalaman na iyon na yung sagot ko sa mga tanong ko before. Kaya unti-unti ko ring natanggap paglipas ng panahon.

Hindi naman sa pang-bibitter ano, pero laking tulong talaga no’ng gano’ng way (para sa akin, still depends on the person hehe). Tinignan ko lahat ng pangit sa kaniya at sa dalawang taon na relasyon namin. nagback-track ako ng mga nangyari at doon ko nakita yung worth ko as a person.

Kaya ngayon, kapag nasasaktan ako (or nalulungkot, o nadidisappoint) iniisip ko na lang agad na kaya ako nasasaktan (o nalulungkot, o nadidisappoint) kasi hindi ‘yon (bagay na nakapagpapasakit, lungkot, at disappoint) para sa akin. Tinitignan ko lahat ng mali sa nangyayari, at iniisip ko na baka someday yung tama naman ang dumating.

Uhm, hindi ko alam bakit ko naisulat ito, pero kasi parang bomba na sumabog yung ideas ko matapos kong mabasa yung post sa memories ng peysbuk, kaya kinailangan kong isulat. Minsan yung mga memories talaga ni hindi nakabubuti e. Haha.

Osya, tatapusin ko na ang post. Sana may sense ‘to kahit papaano. Hehe.

Ciao.

2 thoughts on “Gawa ng memories ni peysbuk…

  1. Ang pinakamahirap talagang gawin sa lahat kapag natapos ang isang relasyon, yung pagtanggap. Pagtanggap na tapos na yung relasyon na binuo natin sa isang tao, na akala natin sila na yung karapat-dapat para sa atin. Kahit ako, doon ako nahirapan. Kasi bago mo tanggapin yung nangyari, maraming tanong kang mabubuo. May mali ba? May kulang ba? May hindi ba ako nagawang tama? Pero kapag natanggap na natin, ang sarap pala sa pakiramdam. Parang nakalaya ka sa pagkakagapos. Tapos matututunan mo ng maging masaya sa sarili mong paraan.

    HAHAHAHA! Sorry na, nai-share ko lang. Medyo minumulto din talaga ako ng nakaraan. Masaya ako for you Rims, nakayanan mo lahat! :-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s