Nang magadbentyur ang lampa: First hike: Mt. Masungki


I couldn’t think of any title for this post plus feeling ko ‘yan ang mas appropriate para rito, and I admit na lampa naman talaga ako, so ayun. Siguro, ito na rin ang gagamitin ko sa mga susunod kong adbentyur. ;)

Anyway, our original plan was to climb Nagpatong Rock, pero sabi ng tour guide namin, named kuya Edward, mas okay raw na unahin namin ang Mt. Masungki para ‘pag uuwi na, tuloy tuloy na yung daan papunta sa Nagpatong. We really have no idea na sobrang hardcore (for beginners) na pala nung Mt. Masungki at akala namin simpleng akyat lang talaga. Kaya nag ‘G’ kami. Yun pala, nag tindi. Tipong ‘di na namin kakayanin mag-isa pang bundok after. Mehehe. Hindi rin naman pala alam ng tour guide namin na first timers kami. Hahaha!

Wala akong docu kung gaano kahaba ang binaybay ng trike namin papunta sa Brgy. Cuyambay, but swear, sobrang layo. It’s not my first time going to Tanay, pero ang layo pala talaga nung Brgy. Cuyambay. Nadaanan pa nga namin ang Sierra Madre resort e. But ayun, going back to Brgy. Cuyambay, nagpunta muna kami sa Tourism office nila para magparegister. Good catch na rin na nag-trike kami from Tanay hanggang sa Brgy. Cuyambay kahit na mas mahal. 500php ang binayad namin sa trike, but kung magjejeep ka from Tanay hanggang Sampaloc, 28php ang fair then 50php per head sa trike papuntang rgy. Cuyambay. Mas maganda talaga kung meron kayong sasakyan. Less hassle.

Moving forward, 100php ang registration per person ng 500php for the tour guide. Minimum members ay 5 per group, but since anim kami at pinayagan naman, mas maliit ang hatian.

IMG_5204Here’s Nica and me. Kami na lang yung dinala ni Kuyang Trike Driver para magparegister sa toursim office ng Brgy. Cuyambay kasi matarik yung dadaanan.

IMG_5205

From left to right, Shine, Steve, Rona, Kuya Jhen, Me, Kuya Edward (our tour guide) and Nica in front.

IMG_5296It was exciting and fun at first kasi hindi mo pa dama ang pagod, pero kapag tumatagal, pahirap na ng pahirap. Nahilo pa nga ako, at legit na nanikip ang dibdib ko, wala pa kami sa kalagitnaan kaya naman binuhat na ng kasama ko ang aking bag. Super thankful talaga na ang babait nila at inaalalayaan ako palagi. The best talaga ang mga boys ng BFA batch 2017! Huhu. Feeling ko nga super pabigat ako sa kanila kasi napapabagal ang akyat namin dahil sa akin.

IMG_5301May mga nadaanan kaming iba pang bundok, pero wala siyang OL at part talaga siya ng way papunta sa Mt. Masungki.

IMG_5306May major stop over sa Mt. Ikmo, bale may tables do’n and mini tindahan. Ang cool nga ng mga signages, sayang hindi ko napicture-an. Nung una hindi ko maintindihan kasi akala ko yun yung tawag sa kanila like, kunwari, may isang sinkhole kaming nadaanan, then may nakalagay do’n “SING CHOLE”. Akala ko yun yung name nung butas, hindi pala. Narealize ko na lang nung nakakita pa ako ng isa pang signage, sabi “COME SIGHT” tas may kubo dun. “CAMP SITE” pala ang ibig sabihin. Mehehe.

20180331_100207.jpgMahaba-habang akyat din yung nangyari, siguro inabot ng 3hrs? Kasi patigil-tigil kami gawa nga sa akin. Nadudulas ako tas nasusubsob, then hinihingal pa. Hindi naman kasi ako pala-labas at taong kwarto lang talaga ako plus, lampa nga kasi talaga kaya ayon. I feel bad lang kasi parang ang laki kong sagabal talaga e. Hahaha!

But ayun, despite of the pauses and breaks that we had to take para lang makahabol ako, nakaakyat naman kami sa itaas.

Friends, I must say hindi madali. Lalo na for me dahil I am scared of heights. Umiiyak ako habang tinatawid yung isang bato pappunta sa isa pang bato para maakyat namin yung tuktok ng Masungki. Mabuti na lang talaga inaalalayan ako ng mga kasama kong lalaki. Nahiya nga ako e, yung girl friend nung isa hindi niya naalalayan kasi ako yung inaalalayan. :(

20180331_100434.jpgThe view was breathtaking. Hindi ko nakunan yung iba pang side kasi lulang-lula na ako. Pakiramdam ko hinahatak ako ng gravity pababa e.

Syempre, dahil successful namin naiakyat ang Mt. Masungki, ‘di pwedeng walang pictures. Ang cool nga ng tour guide namin kasi ang ganda ng mga shots niya!

IMG_5392IMG_5395IMG_5402IMG_5507Hindi ko akalain na makakaakyat ako sa ganito. I am so proud of myself, really. Iniyakan ko itong akyat na ito kasi hindi talaga ako dapat papayagan, at ayun, umiyak din ako while climbing, pero worth it lahat ng tears! Nakailang “Thank you Lord” din ako habang tinatahak ang bundok na ito e.

IMG_5515Ang dungis ko, sobra. Ako ang pinakamadungis sa amin gawa ng ako ang pinaka maraming subsob at dulas. Hahaha! And now, super sakit ng katawan ko. I can’t even sit without feeling pained. Huhu.

But wait! There are three things that I realized sa akyat na ito and I just want to include them in this post:

  1. Mahal ko pala talaga ang buhay ko. It’s true that you’ll do everything to survive — you’ll forget your fears, you’ll neglect the pain, and you’ll do whatever it takes just to survive.
  2. In every pain and hardship comes happiness and ease. Nakakapagod, oo. Sumakit buong katawan ko, oo. Nadulas ako, nasubsob ako, nagasgasan ako, nagkaroon ako ng pasa, at naiyak ako kasi ang hirap, oo, pero masaya. Worth it lahat sa dulo lalo na nung nasa taas na, especially nung nakababa na not just nakaya namin, but because safe kaming lahat nakababa. Hahaha!
  3. Difficult situation makes a lot easier if you’re with the right people. Hindi lang sa akyat na ito, kasi totoo naman ‘di ba? Dumadali ang isang bagay kung tamang tao ang mga kasama mong gumawa nito. Sometimes, they become your motivation too, or inspiration para ipagpatuloy yung ginagawa mo.

So yeaaaah, I’ll look forward sa next kong adbentyur. Sobrang nag-enjoy ako rito kahit ngayon I feel like baldado. Nawala rin lahat ng iniisip ko, at pumalit lang kung paano ako makakauwi ng buhay e! Hahaha! I’ll look forward sa next kong adbentyur, and I hope sila pa rin ang kasama ko. ;)

P.S. almost of the photos were grabbed from Nica. ^_^

3 thoughts on “Nang magadbentyur ang lampa: First hike: Mt. Masungki

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s