Yata.


Sana makahanap ka ng taong magmamahal sa’yo katulad ng pagmamahal na gusto mong makuha. Yung tipo ng taong kayang magtiis kahit na masaktan siya at hindi magrereklamo’t magsasawa kahit paulit-ulit mo itong gawin at hindi magagalit o maiinis kahit pa iparamdam mong hindi siya mahalaga.

Sana makatagpo ka ng taong kayang gawin ang lahat, maging masaya ka lang. Kahit pa sabihin na nating hindi siya kasama sa kasiyahan na iyon. Na hindi siya ang dahilan ng kasiyahan na iyon. At makukuntento lang na makita kang ineenjoy mo ang kasiyahan na iyon.

Sana makita mo ang taong magbibigay ng higit pa sa 100% na effort kahit yung sa’yo, 50% lang. Yung taong hindi na maghahangad ng mas higit pa sa pagtetext mo ng “hi” kada maisipan mo lamang. Yung sapat na sa kanyang matanong siya kung nakakain na ba siya ng hapunan kasi alam mong hindi siya kumakain ng hapunan. Yung taong hindi na umaasa na may ilalabis pa ang mga bagay na kaya mong gawin.

Sana dumating yung taong may malawak na pang-unawa at kaya kang intindihin sa lahat ng oras at bagay na iyong ginagawa. Isang taong may mahabang pasensya at pagtitimpi sa iyong pag-uugali. Isang taong bukas ang isip at matatag na damdamin na makakasalo sa mga matatalim na salitang maaari mong ibato sa kanya.

Sana, kahit hindi mo hanapin, ay mayroong naghihintay na katulad niya sa isang katulad mo.

Sapagkat hindi ko na kaya.

Hindi ko na yata kayang maging ako ang taong iyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s