Siya, ang aking kailangan.

Siya na palaging nandiyan para magpasaya noong panahon na hindi ko alam kung paano ngumiti.

Siya na hindi ako binitawan kahit na hindi ko hiniling na ako’y kanyang kapitan.

Siya na nagbigay pag-asa noong mga oras na alam kong hindi ko na kaya.

Siya na naging sandalan ko at tumulong sa’kin na tumayo muli, ng mas tuwid, sa aking pagkakadapa.

Siya na patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas, tuwing naiisip ko na ang pagsuko na lang ang tanging kong magagawa dahil sobrang hirap na ng sitwasyon.

Siya na nagturo sa akin na maging positibo, kahit na ang mga pangyayari’y parang wala nang kahahantungan na mabuti.

Siya na nagsasabing hindi niya ako iiwan o pababayaan kahit kailan.

Siya na mahal na mahal, hindi lang ako, kundi lahat tayo — at naghihintay lamang na mahalin nati siya.

Siya, ang Panginoon at kataastaasan na hindi napapagod na magbigay, magpatawad, mahalin at tanggapin tayo ng buong puso kahit na minsan ay nakakalimutan at itinatanggi natin Siya sa harap ng maraming tao.

Siya lang ang kailanganin mo at ibibigay niya ang lahat ng nakabubuti sa’yo.