Hey Worpy, buhay pa ako. Huwag kang mag-alala (‘yon ay kung nag-aalala ka)


Uy, kamusta ka naman ha? Pasensiya na’t hindi na kita nabibigyang pansin nitong mga nakaraang araw at linggo. Bisi (busy) kasi ako sa kung ano (kunwari meron kahit wala) . Kaya ayun, hindi na kita masiyadong naa-apdeyt (update). Kaya ayun, nandito ako para magkuwento ng kung anong nangyayari sa akin buhay-buhay. Ayoko kasing ikuwento ito sa tumblr dahil…ewan. Hindi ko feel doon. Hindi ko na feel doon!!

Ano bang bago? Ah, wala naman. Ay mali, meron pala! Hindi ba nagda-drama ako nung nakaraan tungkol sa kagustuhan kong pumasok ulit ng kolehiyo? Eh ngayon matutupad na! Pero hindi pa din sigurado. Nung nakaraang Abril 19 kasi ay kumuha ako ng eksam sa URSA – isang malapit na Unibersidad sa amin, as in super lapit lang. Walking distance ba! At ayun, sakto lang ang eksam. Pero kung makakapasa ako ay matatawag kong “chamba” lang yon. Syempre biro lang, nag-aral at naghanda naman ako kahit papano bago ang araw na iyon. Sabi nga ni Kuya Jomz… “Fight no battle unprepared” kaya naman nagprepare ako kahit papano. Keyword: kahit papano.

Magkakaron din kaming magkaka-klase nung highschool ng isang swimming kaso negative ako. Panigurado hindi ako makakasama. Una, dahil wala akong pera; Pangalawa, alam kong hindi ako papayagan at; Pangatlo, wala lang. Hindi ko lang feel sumama. Pero baka magbago ang isip ko, ilang araw pa naman ang lilipas. Medyo matagal pa naman ang 25, hindi ba?  23 pa lang naman ngayon eh. Meron pa akong dalawang araw para magbago ng isip, handa naman daw akong pautangin ng mabait kong pinsan-pinsanan na si Shiela. Pero duda ulit ako, malamang hindi na magbabago ang aking isip. Hindi talaga ako sasama.

Sinali din ako ni ate MJ — isang blogger na nakilala sa sa Tumblr — sa isang grupo sa FB na ang layunin ay magpalaganap ng mabubuting gawain (imbento ko lang, pero ganun naman kasi ang nakikita ko eh). Samahan ito ng mga bloggers  sa Tumblr, WordPress o mapa-Blogspot man. Nakakatuwa dahil ang tagal ko ng gustong makasali sa mga ganitong grupo o (ano pa bang pwede kong itawag? Hindi kasi malawak ang kaalaman ko sa mga salita -__-) samahan na tumutulong sa kapwa ng walang bayad. Hindi  pa naman ako opisyal na miyembro nila pero wala lang, natutuwa lang talaga ako na nasali ako sa ganon. Nabasa ko yung nakaraang activity nila sa blog ni ate MJ at talagang napahanga at na-excite ako. Sana sa susunod na aktibidad nila’y makasama ako. Pero ulit, ako’y duda dahil isa lamang akong dakilang tambay sa bahay na umaasa lamang sa ibibigay ng magulang para magkapera. Paano naman ako makakapunta sa mga meetings nila, ‘di ba? Nakapanliliit din dahil parang ang gagaling nilang mag-blog. Hay, pero sabi nga nila… “Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging merong paraan.” Kaya gagawan ng paraan, sir!

Malapit na din akong umalis sa Wattpad. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napagod sa pagsusulat. Bigla akong nagsawa ba, pero hindi ko naman alam kung bakit. Gustong gusto ko talagang iwan at burahin ang account ko don pero hindi ko naman magawa. Kaya nagpahinga muna ako. Hindi ko na siya (ang aing account) nabubuksan ng mga ilang araw na. Pero nagbabasa naman ako don ng mga story gamit ang ibang account. Hindi naman big deal, pero kinuwento ko lang.

Speaking ng pagsusulat. Gumagawa na naman ako ng isa pang istorya. Hey! Mr. Painter! ang title niya. Sa totoo lang natapos ko na ang pagbuo ng plot (ito ang unang beses na gawin ko ‘yon, yung gumawa ng plot, sa isang story. Dahil hindi naman talaga ako gumagawa ng plano. Basta kapag naisip ko yung konsepto, ginagawa ko na. Pero ngayon siyempre iba) Sa kuwentong ito, kung magkakaroon kayo ng pagkakataong mabasa ‘yon, ay makikilala niyo kung sino ako. Obvious naman kasi na ako na naman ang bida dito. Pero siyempre, ang kaibahan nito sa iba kong kuwento ay… hindi ko alam. Haha! Biro lang. Siyempre iba ito sa iba kong kuwento. Dito kasi makikita ang realidad. Makikilala niyo ako, kung paano gumising sa umaga; kung ano ang pakiramdam bilang isang graduate ng 2-year-vocational-computer-programming-course pero walang trabaho; kung paano ko harapin ang kada araw ng buhay ko; kung gaano ko kahilig na matupad na makapag-aral ng Fine Arts; kung gaano ako kahopeless romantic. Merong tatlong lalaki sa kuwento: Si Jeremy, si Stanley, at si Vin. Si Jeremy, kathang isip lang siya. Kumabaga, siya yung lalaking gusto kong makilala at maging kaibigan. Si Stanley, isang kaibigan sa Tumblr siya, pero hindi iyon ang kanyang pangalan ha… at si Vin, siyempre, si Vincent Kristan Quilop ‘yon (imaginary character)! Ang idol kong sobra sa pagdo-drawing. Pero syempre iniba ko din ang pangalan niya dun, Vincent Kristan pa din pero hindi na yun ang apelyido niya. Grabe naman kung gagamitin ko ng buong buo ang pangalan niya, ‘di ba? Baka makasuhan pa ako. lol. At about dun sa flow ng story… siyempre lahat yun imagination ko lang. Sabi ko nga, kung magkakaroon kayo ng pagkakataong mabasa ‘yon, eh malalaman niyong (kung hindi ko sasabihin, pero sinabi ko kaya alam niyo na) na ‘yon yung mga bagay na gusto kong mangyari sa buhay ko. Hehee~ May sense pa ba itong sinasabi ko? Parang wala na. haha!

Uuwi si ate Ni sa 26 (ilang araw na lang!) para magswimming kami at dala niya ang bago kong selpon. Binilhan kasi ako ni mama ng bago. Malagpasan niya kaya ang record ng ilang taon ko ng selpon na si Nokiya ekspresmyusik? Sana.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s