Dear Worpy,


I’m in the midst of stress and depression, isama mo pa ang frustration, ngayon. Wala kasi akong mapagsabihan eh. Puwede bang dito na lang?

Umiiyak ako ngayon. Umiiyak na naman ako ngayon. Kaiiyak ko lang kagabi eh! Tch. Ngayong araw ko kasi binitawan yung kagustuhan kong mag-aral ulit. Si Mama eh, magulong kausap. Kaya sabi ko ayoko na kahit gustong gusto ko talaga. Ha-ha! Hindi naman big deal, pero parang big deal sa akin. Alam mo yung… nag-iisip ako na… Yung iba nga eh walang pampaaral pero nagagawan ng paraan. Yung tipong nagwoworking student, nagta-trabaho kahit hirap na hirap na makapag-aral lang. Kung tutuusin puwedeng puwede ko naman gawin ‘yon eh. Kulang lang talaga ako sa determinasiyon at lakas ng loob. Pero sabi ko nga, talagang… iba lang yung meron kang “full support” na naggagaling sa parents mo. (pero yung iba walang parents ‘di ba?) but hey, it’s not the point. Iba yung sinasabi kong “support”. I hope you get me.

Ito pa, napag-isip-isip ko na din kasi, yung iba ngang graduate ng 4 years hanggang ngayon walang work eh. Pero yung ibang hindi nakatapos ng college eh may work naman. Ang ewan lang eh ‘no? Pero kasi, iba pa din talaga para sa akin na may pinanghahawakan ako. Sa akin lang ‘yon eh. Once na makapagtapos ako ng 4 years eh feeling ko iba. Iba talaga ang dating sa akin. Pero wala eh, kung mag-aaral ako ulit, lalo akong manliliit. Bakit kasi hindi na lang ako kumuha ng 4 year course nung una pa lang ‘di ba? Ayan, pakiramdam ko tuloy napag-iiwanan na ako. Haay life, bakit ko ba ginagawang komplikado ang lahat? Tch.

Sabi nila maging praktikal daw. Kaya sige hindi na ako naghangad na makakapagtapos ako ng may degree. Okay na sa akin yung nakatapos ako ng vocational. Okay na sa akin yung nakatungtong ako sa stage na nakaitim na damit at may hawak na diploma. Pero biglang in-open up eh. Tinanong ako kung gusto ko pa daw mag-aral ulit. Siyempre um-oo ako! Ang saya-saya ko na. Kasi puwede na akong maging fine arts or journalist student, alinman sa dalawa, pero boom! Biglang sinabi na kapag balik first year ako eh HUWAG NA LANG DAW. Ehh ano ‘yon? Malamang balik first year ako non! Malamang iilan lang ang subject kong mace-credit nung first year. Wala pa ngang 20 ang units namin ‘non eh. Tch. Mga anim lang ang subject na pinag-aaralan namin non. Kaya ayun, nabigo ulit ako. Umasa ako eh. Akala ko okay na sa kanya, okay naman daw sa kanya kasi gusto niya kahit na kaming dalawa lang ng kapatid kong babae ang makapagtapos ng 4 years sa amin. Pero eh huwag na lang. Nawalan ako ng pag-asa. Pero heto patuloy na umaasa naman. Haaaaaaaaaaaaaaaaay.

Sobrang naguguluhan ako. Nakailang hingi na ako ng payo. Sabi nila sundin ko daw ang puso ko. Pero paano nga kasi???? Paano ba sundin ang puso??? Ilang araw na akong tuliro kakaisip nito. Kung maraming marami lang sana akong pera edi sana hindi na ako namomroblema ‘di ba? Pero hindi naman talaga ‘to problema eh. Mas malaki pa yung problema nung iba. Sadyang ginagawa ko lang kumplikado ang lahat. But what can I do? I can’t help not to think of it. It’s a matter of choosing between the things that you want to do and the things that THEY WANT you to do kasi ang dating eh. Kaya heto, litong lito na ako.

Sa sobrang lito ko na eh parang gusto ko na lang mag disappear na parang bula! Gusto ko nang lisanin ang Earth! Gusto ko nang madedo. Para kung hindi ko man magawa yung mga gusto ko o hindi ko man magawa yung mga gusto nila eh walang sisihan na mangyayari. Tahimik pa ang buhay ko.

Hay life, parang buhay.

Idagdag mo pa yung wala akong makitang trabaho! Nyemas lang ‘di ba?! I feel so useless!!!! Nakakahiya ka, Rizza. ><

2 thoughts on “Dear Worpy,

  1. Rizzzzzzzang! Bakit ngayon ko lang nabasa ‘to? Binasa ko ng buo ang mga sentimyento mo. :( Nakikiramay ako. Chos. Pero nga, ‘pag sinabing sundin ang puso, parang ang hirap? Ako nga rin, ilang beses ko ng inisip na magworking student chuchu, pero walang nangyayari dahil anti-social lang naman akong tao at wala akong alam sa mga ganung bagay. Yung bang ayaw kong makikisalamuha sa napakaraming tao sa labas. Pero… Ikaw. Kaya mo yun! Sa tuwing iniisip mo lang hindi kaya, talagang hindi mo kaya. Try mo na. XD BTW, lahat naman ng susumusubok, nakakaranas rin ng frustrations, kaya normal lang ung nararamdaman mo ngayon. Madali lang sabihin na “Sige na Rizza, maghanap ka ng ng trabaho” Napakadali. Pero, pag live na. Hirap talaga. Remember lang na seek help to God. Maibibigay niya lahat ng longingness ng puso natin. Maaaring hindi ngayon, pero malay mo, bukas? o sa susunod pa. Kung kailangan mo ng kausap, PM/DM/TA langs. :)

    1. Maraming salamat Kim! Oo nga eh, ang hirap kapag live na. Sana scripted na lang ang buhay para alam mo na yung ending mo ano? hahaha! Kaso hindi eh.

      Eh, nahihiya kasi akong mag PM/DM/TA sa’yo. Kasi alam ko naman na busy ka din.Pero sige, sa susunod ikaw na ang gagambalain ko! Hahaha. Joke lang.Salamat, Kim. :* :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s