Kapag ako namatay… (Sagwa ng title aba! Haha!)


Lately, palagi ko na lang kasing naiisip yung possibility na hindi na ako magising one day. I know, I know na dapat hindi ako nag-iisip ng ganito but what can I do? Alam naman natin na anytime puwedeng bawiin ang hiram nating buhay sa atin, ‘di ba?

So ayun nga. Tuwing gabi naiiisip ko kung ano ang mangyayari sa kanila kapag wala na ako. Tapos naisip ko din yung mga gusto kong gawin nila for me. Yung parang last favor ko ba? Oo ‘yon nga ‘yon. Pero siyempre, alangan sabihin ko sa kanila na.. “Hey, kapag namatay ako gusto ko ganito…” eh ‘di ba parang ang sagwa naman? Kaya ayun. Naisip ko na lang na ipost ito dito. Nag-isip pa nga ako na isulat lahat (sa drafts) ng mga account username/email and passwords ko para naman kapag wala na ako, puwede nilang mabuksan ang mga social accounts ko sa net eh. Pati nga password ng cellphone ko eh gusto kong ilista. He-he. Pero pag-iisipan ko pa. Alam ko naman kasing walang masiyadong nakakaalam ng blog ko na ‘to. Nakakatamad na kasing magblog dun sa isa. Para kasing kada post mo eh huhusgahan ka nila base sa pagkakakilala nila sa’yo. E dito, wala. Walang manghuhusga. Well, sana.

So balik tayo dun sa naisip kong paglalagay ng aking last will dito. Sisimula ko na!

Kapag ako nawala…

  • Gusto ko ang tatlo sa unang makaka-alam ay ang pinakaclose kong mga kaibigan. Sa elementary, I ang nagsisimulang letter ng name niya. Sa highschool, L ang nagsisimula ang name niya pero ang tawagan namin ay D. At sa college, si ate S. Gusto ko sila ang unang makaalam sa mga kaibigan ko. Walang iba. Dapat sila muna.
  • Kapag nakahiga na ako sa kasket, ayokong basa ang buhok ko. Gusto ko din na natatakpan ang malapad kong noo. Sa damit, wala na akong pakialam. Basta gusto ko maganda ako! Light lang ang make-up.
  • Gusto ko tulips ang bulaklak. Yung color blue at RED.
  • Yung mga komiks ko, yung mga drawings ko, yung mga stories ko, gusto ko katabi ko sila habang nakahiga ako sa harapan ng maraming tao. Gusto kong basahin at tignan nila ‘yon imbes na iniiyakan nila ako.
  • Ayokong nakatim sila. Gusto ko nakaputi silang lahat.
  • Gusto ko nandon si first love, si imba, at si k. Lalo na sa huling lamay.
  • Gusto kong magmessage sila ng kahit ano sa akin. Kahit na hindi ko na maririnig pa yung mga gusto nilang sabihin, gusto ko magsalita sila sa unahan. Para malaman ng iba, lalo na yung mga hindi ako kilala ng lubos, kung ano ako sa paningin ng mga taong nakakasalamuha ko noong ako’y nabubuhay pa.
  • Ayokong mag stay sa ilalim. Malulungkot ako. Ayoko din ng pa-apartment, malamig yung semento. Cremate. Gusto kong ma-cremate.
  • After nila akong ma-cremate, gusto ko color red or blue ang jar ko. Tapos, doon din nakasulat ang “Like the dust on the floor, the wind carrying. Like the bubble in my bath that keeps on popping. They’re just fading, with the blink of an eye. Just like my faded love, and I don’t know why” na linya ng isa kong tula.
  • Gusto ko din, kahit hindi ko na makikita, na maipublish ang isa sa mga story na nagawa ko. Puwedeng yung tungkol sa “ulan”, yung sa “Summer” o kaya yung sa mga “Pahina”. Alam na nila kung ano ‘yon.
  • Gusto ko din, kahit wala na ako, may bibisita pa din sa blog ko. May magpapadaan pa din ng gm sa cellphone ko. May magfofollow sa twitter, at magta-tag ng mga pictures sa FB.

Pero ang higit sa lahat, kapag ako nawala…

I want them to forget me. I don’t want them to remember me. Gusto kong isipin nila na wala silang nakilalang tao na katulad ko.

Simple lang naman yung mga gusto ko ‘di ba? Sana matupad. In case lang naman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s