Wala na – Ako’y isang taong wala ng halaga sa buhay mo – Kaya hindi na mahalaga kung mawala man sila.


Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lang yung asta mo pag dating sa akin. Ano nga naman ba ako sa iyo, wala na ‘di ba? And take note, NA. Past tense. Dahil dati, alam kong isa ako sa mga pinahahalagahan mo. Pero ngayon? Ano na nga ba ako ngayon sa buhay mo? Wala na.

Wala na.

Dapat pala hindi na lang ako nagtanong. Mali kasi yung inaakala ko eh. Alam ko naman na mangyayari na yun, pero naglakas loob pa din akong tanungin sa iyo. Ayan tuloy…. pero ano pa bang aasahan? Mga basura lang naman yon eh, ‘di ba? Hindi naman sila mahalaga. Lalo na’t nanggaling yun sa isang taong nanakit sa iyo. Kanino? Kanino pa nga ba? Edi sa akinWala naman akong karapatan magalit. Sino ba naman ako?

Ako’y isang taong wala ng halaga sa buhay mo.

Alam ko naman na hindi mo ginustong maglaho yung mga ‘yon. Pero sana, hindi sumama yung mga memories na nandun sa pagkawala nila. Kahit yung memories na lang, huwag na yung feelings. Kasi alam ko matagal nang nawala yung nararamdaman mo sa akin bago ko pa nalaman na wala na lahat ng mga binigay ko sa iyo. Isa pa, bakit mo nga naman sila itatago, hindi naman yun importante. Isang sulat na mahaba na wala naman kuwenta ang nilalaman at isang cellchain na hugis bear na hindi naman bagay ilagay sa astigin mong cellphone lang naman yun. Kayang kaya mo naman makatanggap ng isa pang sulat na mas maganda at mas may sense mula sa babaeng mas magmamahal sa iyo, at kayang kaya mo namang bumili ng mas cute at mas mamahaling cellchain na pwede mong ipang-display sa cellphone mo eh. Ok lang naman sa akin na mawala sila, pero naniniwala ka bang ok lang talaga? Hmmm.. hangga’t naniniwala ka eh sige ok lang din sa akin.

Kaya hindi na mahalaga kung mawala man sila.

Hey, hindi naman ako bitter. Pero inaamin ko na nagsinungaling ako nung nalaman kong wala na sila sa mga kamay mo, o kaya sa aparador mo, o di kaya sa ilalim ng kama niyo kasama nung mga hindi niyo na napapakinabangan na gamit. Nasaktan ako, sa totoo lang. Pero this is life, ganito ang buhay eh.

Palagi kong naiisip na unfair talaga ang buhay, ikaw parang ang saya-saya mo na eh. Move on na daw sabi ng iba, eh bakit ako hold on pa? Samantalang ako naman yung may kasalanan kung bakit nagkaganito. Ha-ha-ha! Natatawa na lang ako sa sarili ko. Ilang taon na din kasi eh… Tapos para pa tayong timang na nagbabatian tuwing sasapit ang araw natin (dati, hindi ko alam kung hanggang ngayon pa ba oh ano). Ano pa bang purpose non? Minsan nga naiisip ko na sabihin sa iyo na itigil na natin ang kalokohang iyon eh. Alam mo ba kung bakit? Kasi mas lalo akong nahihirapan. Pero huwag kang mag-alala, wala naman akong balak na manggulo sa masaya mo ng buhay. Huwag mo akong intindihin, ganito lang talaga ako. Isa pa, sana hindi tayo pareho ng nararamdaman. Sapat na yung isa lang sa atin yung nahihirapan.

Ang lakas ng loob kong sabihin ang lahat ng nararamdaman ko dito samantalang naka-connect pa ito sa facebook at may chance na mabasa mo. Pero alam ko naman kasi na wala kang time para basahin ito kaya sige, ipu-publish ko. Isa pa, wala na akong pakialam kung mababasa mo ito o hindi. Sana lang hindi mo mabasa. Pero maniniwala ka ba sa akin na hinihiling ko yon? Ikaw na ang bahalang humusga.

Susubukan ko nang makalimot kahit na alam kong hindi kita malilimutan. Tatanggapin ko na lang yung katotohanang hindi nga talaga kayang maging magkaibigan ang mga dating… nagka-ibigan. Hindi kita masisisi kung isang araw hindi mo na ako kilala. Dahil wala na eh…

 Wala na. Hindi din ako magagalit. Sino ba naman kasi ako? Ako’y isang taong wala ng halaga sa buhay mo. Matagal ko nang alam yun at alam kong balang araw pati pangalan ko hindi mo na maaalala. Kaya hindi na mahalaga kung mawala man sila.

6 thoughts on “Wala na – Ako’y isang taong wala ng halaga sa buhay mo – Kaya hindi na mahalaga kung mawala man sila.

  1. Kung bakit kasi maraming tao ang hindi nakakaramdam. </3 Nakakasakit ng damdamin ang mga ganitong bagay. Nakakatulala, nakaka-emo. 'Yung tipong, kahit anong gawin mo, wala na. Periiod. Eeehhhh! Wizzaaaa! SMILE. :)

    1. Hahaha Kiiiiimmm! Kung alam mo lang yung feeling kanina. Kung wala lang ako sa opis eh umiyak na ako. Hahaha XD Pero okay lang… Okay lang talaga :))))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s