Gaano na nga ba katagal? Gaano pa ba katagal?


Ilang araw na ba? Buwan… at taon ang lumipas nung huli akong naging masaya?

Wala pa yatang isang oras ang nagdaan nang muli na naman akong lumuha.

Parang kahapon din ganon ang sitwasiyon, nang subukan kong alalahanin ang kahapon.

Ilang araw na ba? Buwan… at taon ang lumipas nang huli kitang masilayan?

Wala pa yatang isang oras ang tumakbo nang pagmasdan ko ulit ang iyong larawan.

Parang kahapon din ganon ang nangyari, nang isipin ko ang dating sandali.

Ilang araw na ba? Buwan… at taon ang nagdaan nung huli kang tumawag?

Parang kanina lang hinihintay ko pa ang boses mo na bigkasin ang aking pangalan.

Wala pa yatang isang minuto nang huli kong alalahanin yung araw kung kailan mo ako kinantahan.

Ilang araw pa ba? Buwan… at taon ang ang hihinntayin ko para muli akong maging maligaya?

Parang hindi na yata magbabago ang takbo ng aking tadhana.

Wala na yatang pag-asa, unti-unti na akong nawawalan ng gana.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s