Happy Birthday to you, my dearest sister! :)


Dearest Onanggita,

This might sound toooooo cheesy but hey, I hope you’ll still read this. Ehem, tagalog na nga, ma-nosebleed pa ako eh. Anyway, you know me naman ‘di ba? Kung may time lang ako edi sana gumawa na ako ng mosaic ng mukha mo para naman may maibigay ako sa iyong kaarawan (11.09) But since I don’t have much time, I decided to make a letter na lang (in a modern way). lol

Omergehd. This is not so me. Hahaha. Onga pala, gusto ko lang din sigurong may maipost here kaya ako gumawa ng ganito. Haha. But kidding aside, I just want the whole world to know that you are now a sweet 16! Ang tanda mo na pero hanggang ngayon maliit ka pa din. Tsk. Inom ka nga ng vitamins! ;) Pero hindi ito seryoso na. Happy birthday ulit! Ngayong malaki ka na (pero parang hindi naman) I hope you’d be responsible enough sa mga bagay na ginagawa mo. You know what I mean, alam mo naman yung mga tama at mali hindi ba? Matalino ka naman, mas matalino ka nga sa akin eh. ‘di ba?

I know I’m not the best sister. Alam ko din na hindi tayo masiyadong close (dahil open tayo, right?) at madalang kang magsabi ng problems mo sa akin. But I want you to know na sana kahit sobrang masungit ako at minsan sobrang seryoso eh, you can still count on me. Pwede kang lumapit kapag may problem ka or kung ano man ‘yan. ‘Wag lang sa financial dahil wala pa akong ipon. Always remember na you have my support — you have OUR support. Kahit na palagi ka naming pinapagalitan at kinakawawa, isipin mo na lang na para sa kapakanan mo yon. (oy ang drama ko, hindi ako sanay.lol) Pero basta, ‘yon na ‘yon. Alam mo naman na hindi ako open at nakokornihan ako sa sarili ko kapag mabait ako kaya pagpasensiyahan mo na lang kung maldita ako minsan. I mean, palagi.

Pagpasensiyahan mo na lang yung ugali ng ate mo kasi kulang ako sa pansin eh. Pero sabi ko nga, kahit na hindi tayo masiyadong close, dahil nga open tayo eh… huwag ka sanang magtatago ng sikreto sa akin. Tayo tayo lang naman ang magtutulungan eh. Lalong lalo na tayong dalawa. Tayo lang naman ang babae sa pamilya na magkasama. Tayo lang ang mahilig sa iisang trip. Tayo lang naman ang palaging magkausap eh–mapa-family problems, mapa-Pangarap, mapa-lovelife man kahit wala naman, tayong dalawa lang ang magkasangga hindi ba? Sana hindi ka magbago. Nagmamature ka na pero sana ikaw pa din yung kilala naming Onang na sobrang uto-uto. Joke lang.

Nang, be strong ha? Kung ano man ang sabihin ng iba, huwag mo na lang pansinin. As long as alam mo naman yung tama, yun na lang ang gawin mo. Isa pa, follow your heart. Palagi ko ngang sinasabi, huwag kang tumulad sa akin na hanggang ngayon eh….. nevermind. Isa pa, kakayanin ito! Marami tayong plano eh! Kailangan matupad iyon!

Oo nga pala, Happy Birthday sa inyo ni Papa. (oshet naluluha na ako ititigil ko na ito ugh) Sana happy din siya katulad natin ano? Sana din kahit papano eh naiisip niya tayo ano? Sana din…. kahit minsan…… sana lang…. kahit minsan…… kahit isang beses lang sana….. mabuo tayo. Kahit isang oras lang, ‘di ba? Hindi ba wish mo din ‘yan? O ako na lang yung umaasa? Hay life. Okay lang, masaya naman na tayo eh. Di ba nga?

Marami pa sana akong ilalagay dito pero huwag na lang. Baka mapunta pa sa Maalala mo Kaya ang kuwento natin kapag nagsalita pa ako.

Hanggang dito na lang! Happy 16th! We love you (yak xD) Andito kami. You have your family, ang dami mong friends, alagaan mo sila! Bonus pa, ang daming nagkakagusto sa iyo *inggitakolol* basta happy birthday! Be Happy! Smile lang palagi, alam mo naman na ayoko sa mga nakasimangot.☺

♥lots,

Ang masungit mong ate.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s