Month of July.


May plano  sana akong gawan ng story ang love story ko dahil alam kong magiging maganda ito, kaso hindi ko na lang tinuloy dahil alam kong hindi din naman ito magkakaroon ng happy ending. Pero dahil gusto ko ng something na “maaalala” ko in case na makalimot, ibabahagi ko na lang dito.

“Ang ganda ng buwan ano?” sabi ko sa text. Tapos nag reply ka ng…. “Oo nga eh, sana naging buwan ka na lang.” 

Doon ako unang nainis sa iyo… at doon din naman kita tuluyang nakilala.

August 28, 2009. Friday

Normal lang sana ang araw na ito. Eh ang kaso, bigla kang sumulpot sa harapan ko. Ayun, naging espesiyal na siya. Ikaw, tanda mo pa ba kung anong nangyari sa araw na ito?

Hindi ko akalain na sa ganitong pagkakataon kita makikilala. First time ko pang magcamping! Hindi man sa bundok, at least masasabi mo pa din na camping ‘yon dahil hindi tayo sa loob ng isang bahay natulog.

Naaalala ko pa nung bigla kang lumapit sa amin. Sabi ko na nga eh, ka group kita. Nakita ko kasi yung hawak mong kulay nung naglalakad kami ni bhez. Kapareho nung sa amin… natuwa ako sa totoo lang. Kahit na nahihiya, kinausap kita. Wala ka sigurong ka close dahil puro lower year ang kasama natin. Nung una, hindi ko talaga alam kung ano ang itatawag ko sa iyo. Iba iba kasi ang binibigkas nilang pangalan mo eh. Pero nung nakita ko ang name tag mo, doon ko napagtanto na pareho pa lang tayong kakaiba ang pangalan.

“Ahh.. Gian Beau pala…” sabiko. At simula nun, palagi na tayong magkausap.

Sobrang saya nga eh, lalo na nung napili yung flag na ginawa ko gamit ang color pastel at ang team name nating.. RED BULL FIGHTERS. Pati na din nung nanalo yung ginawa nating jingle na sobrang korni at may pasayaw sayaw pang nalalaman. Buti na lang marunong akong kumanta at naging taga kanta lang ako. Ikaw, kamusta naman ang paghampas niyo ng mga bote magkaroon lang ng drum effect?

Hindi ko din makakalimutan, eh nung nanalo ang group natin dahil tayo halos ang nakakuha ng first place sa mga activities na ginawa. Sobrang nakakatuwa ano? First time kong sumama sa ganon, over achievement kaagad. Hindi ko talaga malilimutan yon… lalong lalo naman nung.. umakyat na tayo ng Angono Cave….

August 29, 2009. Saturday.

“Meron pa nga dito eh, maraming nagkalat ng bola ng golf…ikukuha kita mamaya.”

Ang sad news, wala naman tayong nakitang bola ng golf. Hindi umayon si tadhana. Madamot sa bola ng golf. Pero okay lang, at least nung papaakyat tayo sa sobrang nakakahingal na pataas na daan, marami akong nalaman tungkol sa iyo. At alam mo bang… nakaramdam ako ng something? Naks, siguro yun ang tinatawag nilang “Love at first sight”. Hindi ako nagbibiro, unang kita ko palang talaga sa iyo, may sparks na. Naks ulit, gumaganon ako. Pero walang halong loko, masaya talaga ako nung magkausap tayo. Lalo na’t palagi mo akong hinihintay sa paglalakad. Naisip ko nga eh, sana hindi na lang natapos ang araw na iyon para nakasama pa kita ng matagal. Kaso siyempre, hindi naman pwedeng habang buhay na lang tayong mag camping, ‘di ba?

Kaya naman medyo nalungkot ako nung natapos na ang araw na iyon.

August 31, Monday.

“Sabi ko pa nga kapag nakita kita kakamustahin kita kaso hindi naman…” – (From a letter, April 3, 2010)

Sabi mo sa sulat. Sabi ko din yan eh. Kaso, hindi ko din nagawa kasi nahihiya ako. Una, hindi ko alam kung tanda mo pa ako pagkatapos ng araw na iyon. Malay ko kung isa ka sa mga taong madaling makalimot. Kaso hindi pala.. pareho din pala tayo ng nararamdaman. Shy type ka din pala eh. Pero alam mo, ang saya. Sobrang saya nung makita kita sa school. Natutuwa ako kasi hindi lang pala panaginip yon. Na totoo palang may nakausap ako na katulad mo nung araw na iyon. Kaya simula non, laman ka na palagi ng mga texts ko. Initials mo ang gamit kong signature sa mga drawings ko. Alam ba ‘yon? Hindi ko yata nasabi sa iyo.

Kaya naman.. natutuwa ako kapag nakikita kita sa school. Dahil dun, gusto ko na palaging pumasok ng maaga, at late na kung umuwi. Paraparaan.. para makasilay.

September 2009. 

Na recollection, nag tour, ikaw pa din yung hinahanap ko nun. Kada pupunta kami sa isang lugar, umaasa akong nandun ka din para makasilay naman ako. Minsan nga eh, sinusundan kita nun kaso nakakahiya naman sa mga kasama ko kung magpapahalata ako. Grabe, hindi ko akalain na magiging ganito ako pag dating sa iyo.

October 2009.

Nasa plaza tayo. Bumagyo kasi eh.. kaya naman baha ang school natin. Ayun, siksikan tayo sa gym. Pero okay lang, dahil open space nakakasilay ako sa iyo. Tapos, kinikilig pa yung mga kaibigan ko kasi ikaw lang yung tinitignan ko. Alam nila na gusto na kita nun kaso sabi ko imposible naman tayong maging friends dahil  nga hindi pa tayo nagkakausap ulit pagkatapos nung camping.

Hopeless na nga ako nun eh. Kasi naiiisip kong matutulad na naman ako sa mga nauna kong nagustuhan. Yung… hindi man lang napapansin?

November, 2009.

First time kong sumama sa parada nung fiesta, at kung sinuswerte nga naman ako, nakita pa kita. Dun ko lang napansin yung mahahaba mong pilik mata. Ang cute mo pala kapag wet look. Hm, napansin mo din ba ako nun? Para kasing hindi eh… hindi ka kasi tumitingin sa akin. Ayun, lalo akong naging hopeless…

Pero nagbago yun, nung bigla kang nag text.

December  2, Wednesday.

“Hi. . .”

Nasa AES tayo nun. Dun na tayo nagru-room dahil crowded sa plaza. Medyo mag-uuwian na nga eh, last subject na ng biglang tumunog yung cellphone ko. Buti na lang computer subject at makikita kita. Naging favorite ko nga ang subject na yon dahil classmate kita dun eh. Pero dahil hindi ko naman kilala yung nag text, hindi ko na lang pinansin. Pero nung nasa room na tayo, at malakas ang pakiramdam kong parang kilala ko yung nagtext eh nireply-an ko ng… “Sino po sila?” or something like that. At alam mo bang muntikan na akong mapatalon sa upuan ko nun nung…

tumunog ang cellphone mo?

Napatingin agad ako kay dude na katabi ko sa upuan habang nakanganga. Kinakabahan din ako nung mga oras na iyon. Pakiramdam ko eh anytime pwede kang magsalita dahil medyo malapit ang upuan mo sa upuan ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko nun. Mabuti na lang hindi ka na nagreply. Nakatingin yata si ma’am eh. Pero nung uwian…

yung uwian na siguro ang pinakamasayang oras ng araw ko na iyon.

Nagtext ka kasi ulit eh.

December 3, 2009. Thursday

“Ang ganda ng buwan ano?” sabi ko sa text. Tapos nag reply ka ng…. “Oo nga eh, sana naging buwan ka na lang.” 

Inumaga na ako ng tulog dahil ka text kita. Kahit na medyo naiinis ako sa iyo dahil hindi ko alam kung bakit ganon ka na lang makaasta. Papatayin ko na sana ang unli ko kaso nanghihinayang naman ako sa load. Isa pa, baka hindi na maulit yung magkatext tayo. Ayun, pinagtiyagaan ko na lang ang ugali mong presko.

Saka isa pa, gustong gusto na kasi kita nun.

December 23, 2009.

“Imba…”

Hindi ko alam kung saan galing yan. Pero alam ko sa iyo ko nalaman ang salitang yan eh. At yun na din yung naging tawagan natin. Siguro kung ikukuwento ko pa kung paano nangyari, eh baka abutin pa ako ng bukas. Isa pa, ang gusto ko lang maalala sa araw na ito ay ikaw at kung ano yung napagdesisiyunan kong itawag sa iyo.

Pero hindi ako makapaniwalang… nagiging close tayo sa paglipas ng araw.

January 2010.

“Hindi ko magawang iwasan ka eh…” sabi mo. “Bakit naman?” tanong ko. “Kasi mahal kita.”

At dahil dun, hindi ako nakatulog. Para ka naman kasing timang, isang beses na lang eh hindi mo na ako pinansin. Yun pala, may pustahan kayo ni bhessy tungkol sa hindi mo pagpansin sa akin. In fairness, kinilig ako sa dahilan mo kung bakit hindi mo kaya. Pero alam mo ba.. walang epekto sa akin eh. Gusto ko kasi, sa personal mo sabihin. Isa pa, paano mo naman ako mamahalin eh ni hindi pa ganon katagal ang pagkakaibigan natin?

Gusto ko sanang sumagot ng mahal din kita kaso… alam ko naman na hindi pa yun yung nararamdaman ko.

February 4, 2010.

“Ingat..”

Yung mga salitang gustong gusto kong sabihin sa iyo kapag paalis ka na ng bahay. Nagsimula ka na sa the moves mo at hinatid mo na ako sa bahay. Tinutukso pa nga tayo ng mga kaibigan ko eh. Tanda mo ba? Gusto na din sana kitang ipakilala kay mommy kaso natatakot ako. Ang alam ko kasi, bawal pa akong magpaligaw at alam kong pagagalitan tayo. Pero dahil gustong gusto talaga kita, sinabi ko din sa kanila. Kaso hindi nga lang kita napakilala.

Duwag kasi ako eh.

February 27, 2010.

“I love you..”

Prom night, at ikaw ang first dance ko. Isang memorable day for me dahil narinig ko sa personal yung mga salitang pinapangarap ko lang na marinig dati. Kaso sorry… dahil hindi ako nakasagot nun at hindi pa ako nakatingin sa iyo. Sayang din at hindi ko natandaan yung mga song kung saan magkasayaw tayo. Ang tagal nga nun eh, three songs. Hay, kung pwede ko nga lang i-rewind gagawin ko. Lalo na dun sa part na sinabi mo yung tatlong salitang yun.

March 23, 2010.

“Oo na..” sabi ko. “Ha? Anong oo na? Wala naman akong tanong ah?” sabi mo.

Patawa ka. Alam ko naman na alam mo yung ibig kong sabihin pero patawa ka talaga. Hindi mo ba alam kung gaano nakakahiyang sabihin yun? Pinag-isipan kong mabuti pero dahil hindi nga ako marunong magdala ng usapan eh nasabi ko na lang yung mga salitang “oo na” kahit wala ka namang tinatanong. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil alam ko… malapit na ang graduation. Baka hindi na tayo magkita.

Pero kahit na napahiya ako, masaya akong nasabi ko yun sa iyo.

“I love you, too.”

Sa wakas, nabigkas ko din. Nahihiya nga ako eh, at the same time natatakot dahil anytime maririnig ni mommy. Graduation day yun. May binigay kang sulat. May binigay din ako. Nasa iyo pa ba yung binigay ko? Yung binigay mo kasi sa akin… hawak hawak ko ngayon.

April 10, 2010.

First date ever ko. Sa favorite place ko pa. Kahit walang fansy dinner, candles, at may tumutugtog na pianist sa gilid natin, kuntento na ako. Napaos nga ako ng bongga sa kakukuwento eh. Hindi ko na nga lang maalala kung anu-ano yung mga yun… ikaw?

May idea ka ba?

May 2010.

Hindi ko alam. Pero bakit parang nanlalamig ka? I mean, hello, hindi ka man lang nagpaparamdam? Ni hindi ka man lang dumadalaw sa bahay. Gustong gusto na talaga kitang ipakilala sa kanila. Kaso, humahanap pa ako ng timing. Pero bakit ganyan na tayo? Ano nang nagyari dun sa dati nating samahan nung magkaibigan pa lang?

Kailangan bang magbago ang pagsasamahan dahil nagbago na din yung posisiyon natin sa buhay ng isa’t-isa?

June 3, 2010.

Ito ang araw… kung kailan kita tuluyang pinakawalan. Ni wala ka man lang reaksiyon. Siguro nga, wala lang sa iyo lahat. At sinula nun, parang namatay na din ang puso ko. Sana ikaw, hindi naman.

*PRESENT*

Biruin mo kung gaano katagal na ang lumipas? Pero hanggang ngayon nagbabatian pa din tayo. Sabihin mo nga, ano pa bang meaning nung mga batian na yun tuwing 23 ng bawat buwan? Magtatalong taon na tayong wala pero every month, nagpaparamdam ka at bumabati.

Bakit mo pa ginagawa yun? Para lang hindi mo mabali yung pangako mong “forever imba” mo ako? Dahil dun lang ba? O may iba pa bang dahilan? Ako kasi hanggang ngayon, iba yung dahilan eh. Alam mo yung.. ikaw move on na, ako hold on pa. Pero sana wala nang dahilan pa yung pagbati mo. Ayoko kasing maramdaman mo din itong nararamdaman ko eh. Tama na yung isa na lang sa atin yung nagbabalik tanaw sa nakaraan. Tama na yung ako na lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s