Cybercrime Law. Makikiepal lang ako’t gagawa ako ng isang post. Okay, advance good bye sa inyo pips! Huhuhu. xD


Sa mga nababalita ngayon, wala akong masabi. Bakit? Ayokong magsalita. Baka makulong pa ako. lol. Joke lang. Pero hindi.. ayoko lang mag react. Bakit? Eh kasi wala naman nang mangyayari kung magrereact pa ako. Pero – Wait lang. May gusto lang akong sabihin. Wow, baka bukas makulong na talaga ako. Tsk tsk.

Ang akin lang, napag-isip isip ko lang… Actually kanina lang (okay, puro lang na lang -__-) Eh… hello? Hindi naman dapat gawing malaking issue ito. Hmm, okay, may aangal. Di ba meron? Kasi para sa akin din eh napakalaking issue nito. SOBRANG LAKI. Ano na lang ang saysay ng internet kung ganon na lang ang mangyayari hindi ba? Kung maipapatupad ito bukas… nako, wala na. Wala na akong mado-download na kanta sa YouTube. Wala na akong mapapanood na movie sa movie2k. Wala na akong makukuhang picture ni Ryo Nishikido sa Google. May nabasa pa nga akong pati yung privacy eh medyo “pakikialaman” pa nila. Sorry for the term, yung kasi yung pagkakaintindi ko. At higit sa lahat… Hindi ko na mapupuna yung mga taong kapuna-puna gamit ang pagbo-blog. Kasi anytime, makakasuhan ako. Muwahahaha.

Okay, seryoso na. Ehem. Omaygad.  Magiging boring na ng internet life ko. Tsk. Ano ba naman kasi yan. Ang dami daming pwedeng unahing ipatupad na batas pero bakit iyon ang inuna? Sobra naman. Sobra na. (okay, kapag nilabas ko pa talaga yung saloobin ko eh baka bukas hunting-in na ako ng mga pulis. Sabihin eh inaapi ko yung mga buwaya sa Gobyerno.) Oops, another foul. Sorry, pero totoo naman hindi ba? Bakit kaya ganun na lang sila kung gumawa ng batas? Yayaman kaya ang Pilipinas? Wow, sana lang. Oo nga pala.. yes naisip ko kanina lang na may magagandang bagay din naman na magagawa yun kapag naipatupad na. Like, wala na ngang plagiarism, wala nang pornography. Wala nang cybersex.. wala nang mabu-bully sa internet. At higit sa lahat.. wala nang Happiness. Hahaha! We all know, masarap yung mga bawal. Kaya nga hindi na naubusan ng kasalanan ang tao eh. Tsss.

Moving on, napapalayo kasi sa topic. Ehem. Pero ang naisip ko, (ito totoo na, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa) na ang unang pumasok sa isip ko kung bakit ipinatupad ang batas na ito ay dahil… ayaw na NILAng mapuna. Ayaw na NILAng may masabi sa kanilang masama ang mga tao. Ayaw na NILAng mapansin yung mga maling nagagawa ni ganyan at ni ganito. Oh, baka magulat na lang ako bukas wala na ang blog ko na ito. Kaya ngayon pa lang, goodbye world na ang drama ko. Tsk tsk. Biruin mo ‘yon? Kung mangyayari yun.. isa lang ang ibig sabihin nun. Mawawalan na ng kalayaan na ibahagi ang mga saloobin ng mga tao sa pamamagitan ng.. katulad nitong ginagawa ko.

Masama bang maglabas ng opinyon? Masama bang maglabas ng saloobin? Masama bang pumuna? Hindi naman hindi ba? Kahit naman kasi ipagbawal yung ganyan at ipatupad yung batas na nagsasabing kapag may sinabi kang masama kay ganito dahil nakagawa siya ng ganoon eh hindi pa din magbabago ang tingin ng isang tao sa hinhusgahan niya. Tama? Well para sa akin kasi tama. Sorry, opinyon ko eh. Pero alam kong hindi naman ito mapapansin dahil hindi din naman masiyadong importante ang mga pinagsasabi ko dito. Lalong lalo na sa mga taong sarado na ang isip tungkol sa ganitong bagay.

Ayoko na ngang magsalita. Wala din namang kahahantungan ito eh. Pero hey, huwag tayong matakot. As long as alam natin yung tama at alam natin na wala naman tayong nasasagasaan sa mga pinag-gagawa natin, eh go lang.

One thought on “Cybercrime Law. Makikiepal lang ako’t gagawa ako ng isang post. Okay, advance good bye sa inyo pips! Huhuhu. xD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s