Kailangan pa ba talagang magpa-ganda?


Wala kang time magpa-GANDA pero may time kang mag-BASA?

– Quoted from someone.

Mas importante ang kaalaman para sa akin kesa sa panlabas na anyo. Hanggang ngayon,  yan ang basehan ko  kapag nagkakaroon ako ng crush sa isang tao. Like now, hindi naman siya guwapo eh. Talagang bilib ako sa utak niya. Pero hindi ito tungkol sa kanya o sa akin. Tungkol ito sa..kung ano daw ang nagagawa kapag maganda/guwapo ka. Beauty is power daw e.

Pero tama din siguro yung iba.. Kailangan din ng mukha para makaharap ka with confidence sa mga tao. Sorry, hindi kasi ako ganon. As long alam kong kaya kong kumausap sa iba kahit na hindi nag-aayos, kakausapin ko. Pero dagdag points yung may “itsura” ka. You know what I mean.. yung “itsura” na hinahanap ng marami. Hindi na maipagkakaila yun. Kaya nga kapag panget ka, hindi ikaw ang bida. Pero ‘wag kang mag-alala. Wala naman daw pangit, yun ang sabi nila.

May narinig pa nga akong nagsabi, kapag maganda ka daw, walang imposible. Lahat pwede mong makuha, lahat pwede mong makontrol. For example, meron dalawang nag-o-offer ng kotse, isang panget, isang guwapo/maganda. Kanino ka titingin at makikinig? Sa guwapo/maganda hindi ba? Sabihin mong mali… hindi ako maniniwala sa iyo. Kasi kahit ako ganun din ang gagawin ko e. Alam mo na, attraction e. Isa pang example, kapag naghahanap ka ng trabaho, makikita mong isa sa qualifications eh.. “with pleasing personality” and etc na kaugnay sa hitsura. Kahit nga sales lady ka lang dapat sexy ka at naka-make up para daw maganda kapag humarap sa tao. See? appearance is everything. Maski sa lovelife, aminin mo.. guwapo/maganda ang hanap mo. huwag mo nang ipagkaila, naisip ko na din yan. Pero siyempre, dahil hindi ako belong sa mga taong matataas ang antas ng hitsura, e hindi na ako umaasa.

Pero aanhin ko ang mukha? May tatanggap naman sa akin sa trabaho. May mukha ka nga, tanga ka naman. Anong mapapala mo? NGA-NGA. At aanhin ko ang mukha? Alam ko naman na makakahanap ako ng taong hindi tumitingin sa panlabas na anyo at tatanggapin ako kung ano ako. 

5 thoughts on “Kailangan pa ba talagang magpa-ganda?

  1. Chill Rima. :) Ako man din, mas naiimpress ako sa taong mautak kesa maganda. Gusto ko sa gumagamit ng utak kesa puro pagpapaganda/gwapo. :3 We have the same sentiments talaga ;( Sino ba nagsabi sayo ng ganun? -__-

    1. Hahahaha! Secret, baka kasi mabasa niya. Pero hindi mo kilala xD nag-uusap lang kami tapos nasabi lang sa akin. Hihihi.. hindi ko alam kung bakit. Panget ba ko? xD natanong ko tuloy sa sarili ko kung panget ako. (tho alam kong oo) kasi bigla niyang sinabi yun.. hihihi xD

  2. i really love your post :) binasa ko na ata lhat ng mga post mo..
    nkka bilib .. your right, aminin ko d nman ako impokrita para ndi sbihen inuuna ko rin itsura ko kesa sa ibang bagay pero i can say nbbalanse ko ang panlabas na itsura ko pte na ang internal neto.. hahhaha sa anuman dahilan di ko rin na bblame sarile ko kung bat npaka halaga rn ng panlabas na itsura ko dhil na rn sa mkamundong impluwensya ngaun.. :DD
    but ofcourse mas lamang ang mau utak! kaya dun pdn ako khit vain pa ko :DD :))
    btw, na search k blog mo dhil kay baifern, idol ko rin kc yun :))
    keep posting beautiful topics :)) GODSPEED! ~guarlain <3

    1. Ayyy!! Thank you soooo much as in! Lalong lalo na sa pag basa ng mga post ko. At siyempre sa pag comment! Sana naman may nakuha kang may sense sa blog ko na ito. :))) Salamat uliiit!! Balik ka next time Jane Guarlian! :)

  3. i really love your post :) binasa ko na ata lhat ng mga post mo..
    nkka bilib .. your right, aminin ko d nman ako impokrita para ndi sbihen inuuna ko rin itsura ko kesa sa ibang bagay pero i can say nbbalanse ko ang panlabas na itsura ko pte na ang internal neto.. hahhaha sa anuman dahilan di ko rin na bblame sarile ko kung bat npaka halaga rn ng panlabas na itsura ko dhil na rn sa mkamundong impluwensya ngaun.. :DD
    but ofcourse mas lamang ang mau utak! kaya dun pdn ako khit vain pa ko :DD :))
    btw, na search k blog mo dhil kay baifern, idol ko rin kc yun :))
    keep posting beautiful topics :)) GODSPEED! ~guarlain <3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s