I Love You, Goodbye.


Sobra na. Hindi ko na kaya. Sapat na siguro yung mga sakit na nararamdaman ko araw-araw kapag nakikita kita. Yung mga luhang nilabas ko sa pagdaan ng bawat gabi. Yung mga tula na nagawa ko, mga kuwento at pagpapantasya ko. Maging itong sinusulat ko, nasayang sila at alam kong masasayang pa.

Gaya ng sa kantang “I love you, Goodbye.” hiniling ko din na sana ako na lang. Yung taong magbibigay sa iyo ng pagmamahal na matagal mo nang gustong maasam. Yung taong magpapaligaya sa iyo sa tuwina. Yung taong kakailanganin mo. Pero alam kong hindi ako yun eh. Hindi mo sa akin mahahanap ang totoong kaligayahan. Hindi ka sa akin sasaya. Hindi din naman sa iba… Kasi alam ko, sa kanya lang. Siya lang… at wala nang iba.

Gaya ng sa kantang “I love you, Goodbye.” mahirap mag-paalam sa taong mahal na mahal mo. Ayoko sanang umalis pero kailangan…

Pero hindi gaya ng sa kantang “I love you, Goodbye”…

Aalis ako. Pero hindi ako magpapaalam.

Kuha mo? Kailanman, hindi ko masasabi sa iyo ang salitang.. “Paalam”. Mahal kita eh. Bakit ko gagawin ‘yon? Ayos lang naman ako. Kahit na dumaing ako sa unang talata, hinding hindi ako magpapaalam sa iyo.Tandaan mo ‘yan.

3 thoughts on “I Love You, Goodbye.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s