Sa ilalim ng ulan ngayong unang araw ng Agosto.


080112

Ang pansamantalang pagtayo ko sa ilalim ng ulan ang tumulong sa akin upang maibalik ko ang aking sarili sa nakaraan.

Malamig. Nakakangatog. Nakakapangilabot. Isabay mo pa ang napakabigat na hangin na humahampas sa aking katawan.

Ganitong ganito ang naramdaman ko nung magmistulan akong poste na nakatayo lang habang hinihintay ang pagtila ng ulan. Hindi nagtagal, ang mga paa ko’y nagsimulang humakbang at ang aking mga kamay ay sinapo ang maliliit na butil mula sa mata ng langit.

Parang dati lang… nung panahon na masaya pa ako sa ganitong panahon. Parang dati lang.. nung gustong gusto ko pang pagmasdan ang paligid sa ganitong sitwasiyon. Muli, ako’y nakadama ng kaligayahan sa ilalim ng ulan. Sana naman, nasama na din niya sa kanyang pagbagsak sa lupa ang lahat ng negatibo kong nararamdaman. Para bukas kung sakali mang sisikat ang araw, gumaan kahit papano ang aking pakiramdam.

Magandang Gabi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s