Gusto ko lang talagang magsulat.


Nagsusulat ako, hindi para sa iba.

Nagsusulat ako, hindi para kumita.

Lalong lalo na, hindi para makilala.

Nagsusulat ako, kasi kailangan.

Kailangan ko, para mailabas ang aking nararamdaman—–

Nang hindi kailangang magsalita.

Nang hindi kailangang sumigaw.

Nang walang makaririnig..

At nang hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sa mga taong hindi naman ako naiintindihan.

Hindi ko kailangan ng mambabasa.

Kung meron man, sapat na sa akin ang isa.

Hindi dahil sa ayokong masita.

Kundi dahil, ayokong umasa na madaragdagan pa sila.

Ang mga kamay ko ang naging sandigan ko.

Lapis at papel ang sandata ko.

Ang bawat letrang nababasa mo, galing sa puso ko.

Ang bawat salitang binibigkas mo, ay ang mga hininga ko.

Gusto kong magsulat, dahil isa akong manunulat.

Huwag mo na akong kuwestunin. Gusto ko lang talagang magsulat.

16 thoughts on “Gusto ko lang talagang magsulat.

  1. Hi Rizza!

    Rizalena ka rin pala :) at sa lugar pa ng mga “great artists”!

    I love the Blanco Family Academy there…. their museum shows excellent artworks of all members of the Blanco Family (since they started using the paper and pencil to doing the murals on the walls hihihi, BREATH TAKING!!!!)

    The members of the Blanco clan are also very sweet and accommodating…. They know they are very popular but they are sooooooo down to earth!!! The President even fetched me when I was invited to be their speaker onetime hehehehehe….. For me, its a “wow!!!!”

    Anyway, I truly felt every word you have written here….

    Tama ka,

    “Nagsusulat ako, hindi para sa iba.

    Nagsusulat ako, hindi para kumita.

    Lalong lalo na, hindi para makilala.

    Nagsusulat ako, kasi kailangan.

    Kailangan ko, para mailabas ang aking nararamdaman—–”

    Share ko sa iyo itong mga katha kong nagsasabi kung bakit rin ako nandirito sa WP, instead of going out with friends kung ako ay may nagbabagang damdaming nais pakawalan….

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/07/08/why-am-i-writing/

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/05/19/kaisipang-buong-layang-umaagos/

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/06/17/takatak-nang-takatak/

    http://chilledhoney.wordpress.com/page/2/?s=para+sa+iyo+cup+noodles

    Enjoy writing … ikaw ay may skill…. kahanga hanga :)

    Sulat lang ng sulat ha?

    Pasyal ka sa aking hardin at baka may mga panulat ay sa iyo’y swak na swak :)

    1. Hi po! :) Naks! Maraming salamat po sa pagbabasa at pagbigay ng oras sa aking blog. *u*
      Sa totoo lang, nakakatuwa pong mabasa ang comment niyo dito. At natutuwa din po akong alam niyo ang aking bayang “Angono”! :)
      At.. nasabi niyong “Rizalena ka din pala..” ibig sabihin eh taga Rizal ka din po? :)

                    1. Oooh.. Tama nga ako! Yehey. Alam niyo po bang tinanong ko pa ang mga katrabaho ko para lang malaman ko kung saan nga ba ang lugar ni Erap. Hihi. :3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s