Sayang, bigla kasi akong nagising.


 

“Mahal ko po siya.”

Narinig kong sinabi niya sa harap ng pamilya ko habang nakatayo sa may gate ng bahay namin. Ayaw nila sa kanya. Kesyo magkaiba daw kami ng relihiyon. At baka sasaktan lang daw ako. Nakita kong umiiyak siya. Umiiyak na din ako. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Mas lalo akong naiiyak… Ang sakit. Ang malala pa, ako pa ang dahilan, kaya mas masakit.

Sinabi niyang mahal niya daw ako. Bakit ngayon pa? Kung kailan alam ng lahat na sinaktan niya ako ng husto? Kung kailan, galit na galit ang pamilya ko, mga kaibigan ko dahil sa ginawa niyang pagpapaiyak sa akin. Nakita ko din na may pasa siya sa kanang mata niya. Ano kayang nangyari dun? Gawa ba yun ng kuya ko?

“Mahal ko po siya.”

Narinig kong sabi niya sa harap ng pamilya ko habang nakatayo sa may gate ng bahay namin. Nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad sa mga salitang binitiwan niya. Mahal niya daw ako… Sa wakas, narinig ko din ang mga salitang gusto kong marinig sa mula sa kanya. Sa wakas, magiging masaya na ako. Magiging masaya na kami.

Kaya lang may problema.

Bigla kasi akong nagising.

Isang panaginip lang pala ang lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s