Ano Kaya Ang Napapaginipan ng Mga Bulag?


Ano kaya ang napapaginipan ng mga bulag, kung wala silang nakikita?

Paano niya nasasabing naglalakad siya sa isang hardin kung hindi niya alam ang itsura ng isang bulaklak? Kung ano ang kulay nito, kung ilan ang talulod, at kung may dahon ba ito o wala. Paano kaya sila nakakangiti sa kabila ng kadiliman na kanilang naaaninag? Paano sila bumabangon tuwing umaga kung ang buhay na haharapin nila eh katulad lang ng kahapon? Nagsasawa kaya sila? Masaya kaya sila? Pareho lang kaya ang nararamdaman natin sa kanila? Natanong na kaya nila sa sarili nila kung ano ang kanilang mga itsura? Nasabi din kaya nila na masaya sila sa buhay niya? Ikaw, kapag sinabi niya sa iyo na masaya siya, maniniwala ka ba?

Kung iisipin, parang ang lungkot ng walang nakikita. Yung tipong, akala mo ikaw lang mag-isa. Yung pakiramdam na naiiba ka. Yung alam mo sa sarili mo na pinagtitinginan ka habang naglalakad ka kahit hindi mo nakikita. Pakiramdam mo sa sarili mo nakakaawa ka kasi iyon ang nararamdaman ng lahat sa iyo. Katulad ko, kinaawaan ko ang isang tao’ng wala man lang kakayahan na mabasa ang isang sulat na naglalaman ng tungkol sa kanya.

Pero alam niyo, tingin ko nga maswerte sila e… Ito ay para sa akin lamang. Hindi kasi nila nasasaksihan ang kaguluhan na nangyayari sa mundo; Yung unti-unting pagkasira ng kalikasan, yung dahan-dahang pagkawala ng natural na kagandahan ng paligid, yung mabilis na pagkaubos ng isanlibong kulay luntian na kabundukan. Hindi nila nakikita kung gaano na kadumi ang mundong pinapangarap nilang masilayan. Hindi nila alam ang mga hitsura ng mga buwaya sa gobyerno. Wala silang alam sa kung gaano na lang karami ang matitinong tao ngayon na nagpapahalaga sa kanilang nakikita.

Pero kahit na hindi nila alam ang kulay ng araw, damo, dagat, buhangin at kahit na isa sila sa mga nagtatanong kung ano nga ba talaga ang kulay ng hangin, hindi sila naiiba sa atin. Tao din sila, mamamayan ng Pilipinas pero mas maswerte nga lang – sa paraan na hindi nila nalalaman. Sa paraan na iilan lang ang nakakapansin. Dahil ang mga bulag, kahit na walang nakikita, buo pa din sa kanilang mga paningin ang isang perpektong mundo na pinapangarap ng karamihan.

Pero hanggang ngayon naiisip ko pa din, ano kaya ang napapaginipan ng mga bulag? Masaya kaya?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s