Sana ako na lang.


Sana ako na lang… Ako na lang sana.


Dumating ka din ba sa point na nasabi mo yan sa sarili mo? Na sana ikaw na lang yung kasama niya… Na sana ikaw na lang yung yakap yakap niya. Ang sakit ano? Palagi mong tanong sa sarili mo…

Anong meron sa kanya na wala ako?

Bakit siya at hindi ako?

Punong puno ka ng insecurities sa katawan.

Pero naisip mo ba na… may isang tao din na nagsasabi sa iyo niyan? Na sana siya na lang… Yung minamahal mo. Yung iniisip mo. Yung iniiyakan mo. Sana siya na lang… Yung taong gusto mong makasama habang buhay.

And tadhana nga naman ano? kung sino pa yung taong mahal mo eh hindi ka naman mahal. Tapos yung taong hindi mo akalaing mamahalin ka eh siya pa pala yung nagmamahal sa iyo ng lubos.

Pareho kayong nasasaktan. Ikaw nang dahil sa kanya, siya naman.. ng dahil sa iyo. Naisip mo ba yun? Na merong isang taong, palihim ka din na minamahal?

Sana naisip mo, na hindi lang ikaw ang nasasaktan… na hindi lang ikaw ang nagmamahal. Merong isang tao, na gusto ko din makasama panghabang buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s