Paano ba ako nagsimula? :)


O sige, gawin nating tagalog ang post na ito. Hirap din akong mag English eh. Bali-baliko pa! :) Meron lang akong gustong sabihin para malaman niyo (kahit na alam ko namang hindi niyo gustong malaman) kung paano ako nagsimula dito sa WordPress bilang isang blogger. May gusto bang makaalam? Sa tingin ko wala. At sa tingin ko, ilan lang din ang makakaintindi nito xD. Pero sige, heto ako’t magkukuwento.

First of all, ang petsa na ito ay napaka-importante sa akin bilang isang baguhang blogger sa WordPress. Bakit? Ito kasi ang petsa kung kailan ko nakilala ang blog world, kung kailan ko natutunan kung paano mag post sa isang site ng mga damdamin at saloobin. Sa petsang ito, namulat ako sa kung ano pa ang puwedeng magawa sa internet. Dati kasi, puro Facebook at Youtube pa ang uso sa akin noon. Pero nang makilala ko ang site na ito, saka pa lamang ako namulat sa kung anong magandang maidudulot ng internet sa akin.

Sa petsang ito ako unang bumuo ng account sa WordPress. Paano? Simple lang. Nainggit kasi ako sa classmate kong si Joan. Nang malaman ko at narinig ko mula sa kanya at nakita ko pa sa kanyang facebook dahil nagpost siya ng link sa kanyang profile na naglilink din sa kanyang WordPress account eh na-engganyo na akong gumawa. Hindi ko na din kasi alam kung saan pwedeng maglabas ng sama ng loob. Sawa na din akong gumawa ng diary kasi nababasa din naman ng kapatid ko kaya ayun, gumawa na lang ako ng account dito sa WordPress.

My first post — 23 Syndrome. Mejo bitter pa ako kay Gian nung mga panahon na yan. :D Hindi ko nga alam kung bakit ko nagawa iyan eh. Siguro dahil na din sa … masiyadong mabigat yung pakiramdam ko nung mga panahong iyan. Sa sobrang bigat eh naisipan ko pang i-post kung ano ang meaning ng 23 sa akin.

Second post, it’s about my best friend. Nagkaroon kasi kami ng contact nung mga panahon na yun kaya naisipan kong gumawa ng post tungkol sa kanya. At actually, hindi ko din alam kung ano pa ang pwedeng maipost sa mga susunod na araw kaya ang ginagawa ko, kung ano na lang ang maisip ko sa araw-araw.

Almost everyday ko din tinitignan yung mga post ni Joan sa Account niya sa wordpress. Stalker kaya niya ako! :3 Idol ko siya sa paggawa ng blog. Ang linis linis kasi.. pati na din yung Tumblr niya ang cute.

Then, hindi nagtagal, i saw some poem blogs. Since gumagawa naman ako ng tula at MARUNONG naman akong mag rhyme kahit papano eh nagpost na din ako. Nakakita din ako ng mga Art blogs and since I LOVE ARTS SOOOO MUCH, eh nagpost na din ako ng mga gawang-likha ko. (gawa na nga, likha pa! :D) At ayun.. tuloy-tuloy na yun.

Kinain pa nga ako ng WordPress kasi nakikita ko sa ibang blogs, yung mga widgets nila sa gilid. Eh baguhan ako kaya hindi ko pa alam kung paano maglagay ng mga yun. Kaya ang ginawa ko, nag youtube pa talaga ako, and hopefully, nalaman ko naman kung paano. Nalaman ko din kung paano magbago ng mga themes na talaga namang kinatuwa ko. :3

Pero ang talagang nag-HIT na post ko?? :D Eh yung A Crazy Little Thing Called Love ^^. Nakakahiya nga kasi pati pala si Sir Celis eh nabasa yung post ko na iyon! Eh super duper panget ng English ko dun. English teacher pa naman siya. Nakuuuuu.

But yung post ko na iyon, kahit na gaano ka-panget ang pagkaka English ko, eh siya ang nagtamo ng pinaka-MARAMING comments. Sya din ang number 1 sa most clicked page ko. Siya ang pinaka mataas na ratings! Siya na lahat! 41 Comments and 7 votes! Kaya sobrang natuwa ako. Meron nga eh.. napagkamalan pa niya na ako si P’Nam! (lead actress sa first love) kaya naman tawa ako ng tawa. :D

And the rest is a history!

Sobrang thankful ako dahil nakilala ko ang WordPress. Dahil sa site na ito, kahit papaano, naramdaman kong may nakaka appreciate sa mga bagay na nasa isip ko (yung mga post ko dito).

Isang taon. Sa loob ng isang taon nagkaroon ng 60k+ Hits and still counting, and 35 followers ang blog ko dito sa WordPress at tuwang tuwa na ako dun. kahit na bibihira lang ang comments, atleast nalalaman ko na meron pa din na mga tao ang sumusulyap-sulyap dito.

Sa mga taong nagbabasa nito at magbabasa pa lamang ng blog ko, MARAMING SALAMAT! :D

Samahan niyo pa ulit ako sa isang taon ulit na pagbo-blog sa WordPress! Lalo ko pang pagbubutihan ang pagbabahagi ng aking mga interes sa pamamagitan ng blog na ito.

Hanggang sa muli! Thank you very much  guys! It’s been 1 year now since I began to blog here on WordPress. It’s a pleasure for me knowing that you’re there that keeps on viewing over my blog. Thank you! :)

xoxo,

3 thoughts on “Paano ba ako nagsimula? :)

  1. Wow! Buti ka pa nakapagblog on your blog anniversary. Ako hindi! Huhuhu T^T Thank you din kasi nainspire pala kita dun? HAHAHA. Nainspire mo din naman ako lalo na pagdating sa arts. Thank you so much,Rims! I love you :* :)))))))

    1. I Love you too, Jo! :)
      Oo naman, you inspired me sa pag blog! Take note: A LOT! *u*
      Gaya gaya ako sa iyo eh. Mehehehe. Hindi ko nga alam kung paano ito nung una :)But thanks to youuu!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s