I really don’t know what to title.


O yeas. I can feel the Christmas season na! I can hear sleigh bells ringing-jingting-tingling, too! Hehehe. But it’s not a lovely weather kasi patuloy sa pag-ulan. (eh ayoko ng ulan) Kaya ayun, mejo hindi ko ramdam ang holiday. :)

Anyway, wala kasi talaga akong mapost. Tinatamad naman akong mag Tumblr. Puro kasi photogaphy blog tapos puro mga re-blog posts lang naman yung nakikita ko dun. Ayoko naman nang makiuso. Hindi naman ako mahilig sa pastels and girly stuff eh. (teka, bakit ba napupunta sa ganitong topic?)

So, Kanina kasi, there were three (3) kids singing outside the house. (Christmas Carols!) Though it’s not yet December 16, (simula ng simbang gabi at simula ng pangangaroling!). Eh umuulan. AS IN SOBRANG LAKAS. They were wearing plastics all over their bodies para lang hindi sila mabasa. (But still, nababasa sila kasi nga sobrang lakas ng ulan)

Kahit na basang basa sila, patuloy pa din sila sa pagkanta. Patuloy sa pagwasiwas ng kanilang mga gawang instrumento. Patuloy sa paghingi ng awa para lang bigyan sila ng konting barya. Take note, ang papayat pa nila. Tapos ang liliit pa.

Nagulat nga ako kasi si Mommy biglang sumigaw. Sabi niya, “naku ano ba naman kayong mga bata kayo! Ang lakas lakas ng ulan tapos nangangaroling pa din kayo!” Eh ako naman, may hawak na Candy that time. Kumaway pa nga ako eh, sasabihin ko sana “Patawad.” Kaso, si mommy naglabas ng barya, sabi niya ibigay na lang daw yung barya sa mga bata. Super kawawa kasi.

Binigay na ni kuya Dex. Tapos pinagalitan pa sila. Naawa naman ako dun sa mga bata. Gusto ko ngang bigyan ng candy eh. :O Kaya lang bigla silang tumakbo.

So, (hindi ko alam kung ano ang gusto kong sabihin dito sa post na ito.) Ang akin lang naman kasi… bakit kaya ganun ano? gagawin nila kahit ano magkaroon lang ng pera. I mean, kahit na napaka lakas ng ulan, go lang ng go!

Naisip ko naman yung mga magulang nila, ano kayang ginagawa nung ng yun at bakit pinapayagan nilang ganun yung mga anak nila? Sobrang hirap ba nila at hindi nila kayang buhayin yung sarili nila to the point na hahayaan nilang maging ganun yung mga anak nila? (Okay, i’m being nonsense.)

 

Wala lang. Wala kasi talaga akong ma-post.

 

P.S.

Oo nga pala :) Ang saya today. Hehehez. <3

 

One thought on “I really don’t know what to title.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s