Pwede ba na … Ibalik na lang ang lahat sa dati?


This is a tagalog post.

Oo nga. Hindi ba pwedeng ibalik na lang ang lahat sa dati?

Ang dami na kasing nagbago.

Mula sa pananamit, pananalita, at kung anu-ano pa.

Ang dami nang nagbago. Hindi na katulad ng dati…

Kahapon, nagkayayaan kami sa SM na magkakaibigan. Ewan ko kung bakit napunta dun yung usapan.

Ang tanong, “Kung bibigyan ka ng isan wish, ano yun?” Siyempre, madaming pumasok sa isip ko. PERO, ang kaisa-isang gustong sabihin ng bibig ko eh “Sana bumalik ang lahat sa dati.”

Yung tipong masaya pa ako at maayos pa ang lahat.

Yung tipong  hindi ko pa alam yung salitang “MASAKIT”.

Yung tipong palagi pang nakangiti yung mga tao sa paligid ko.

Ewan ko ba. Hindi naman sa hindi ako masaya pero parang hindi ito yung gusto kong mangyari eh. Kumbaga, nalulungkot ako kasi hindi ko na nararansan yung kasiyahan na nararanasan ko pa noon.

Hindi naman sa selfish ako at gusto kong umayon na lang ang lahat sa gusto ko pero… PARANG unfair naman sa akin. Ilang beses ko nang pinagdadasal na sana eh kung hindi man bumalik ang lahat sa dati eh, “MAGING MAAYOS NA  LANG ANG LAHAT.” nang sa gayon eh kahit papano eh maging masaya na ulit ako.

Para kasing hindi tama yung mga nangyayari.

Hindi ko lang masabi pero minsan nahihirapan na ako sa sitwasiyon.

Ayokong sabihin sa iba pero, minsan parang hindi ko na kayang itago pa.

Maraming gumugulo sa isipan ko pero ayoko na lang dalhin sa ibang lugar kasi alam kong hindi ko naman masasabi sa kanila yung mga iniisip ko. Alam kong may mga kaibigan ako pero alam ko din naman sa hindi sa lahat ng oras eh masasabi ko sa kanila yung nararamdaman ko. kaya minsan, hindi na lang ako nagsasalita. Kasi ayoko na din naman na masanay yung sarili ko na kapag may problema ako eh nanjan sila para damayan ako.

*sigh*

Alam kong hindi tama na sabihin ko ito dito pero wala na kasi akong iba pang mapag sasabihan. >.<

Nahihirapan na ako sa nararamdaman ko pero wala akong magawa kundi tiisin yun.

Madaming meaning yan. Pwedeng dun at pwede din naman dun.

*sigh*

 

Kelan kaya magbabalik yung dati?

Kelan kaya magiging maayos ang lahat?

Kelan kaya ako magiging masaya ulit?

kelan kaya?

 

 

…….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s