Huling Sulyap : My First Short Story


Apat na buwan na din pala ang nakakalipas simula nung magalayas ako sa maliit naming bahay sa may Tondo. Halos maglilimang buwan na din pala. Tumira ako sa isang maliit na kwarto malapit sa aking pinapasukang Unibersidad nung mga panahong wala ako sa bahay. Minsan, naisip kong tumigil na lang dahil napapagod na ‘kong magtrabaho bilang isang waitress sa isang bar. Nakakairita kasi ang ilang mga mukhang nakikita ko dun eh. Lalo ng nang mga kalalakihang maniyak na halos hubaran na ‘ko ng kanilang mga tingin! Bilang babae, nakakailang ang ganun pero kailangan kong magtiis para sa pag-aaral ko at sa isa ko pang kapatid na nasa high school ngayon. Marami akong pngarap sa buhay. Ayokong magaya sa iba na umaasa na lang ng tulong sa ibang tao.

“Carla, may tumawag sa telepono kanina,” sabi ni Susan na umuupa din sa kwarto.
“Sino daw? Anong pangalan?” tanong ko naman habang binababa ang mga dalang gamit.
“Yung mama mo ulit.”
“Anong sabi? Dapat sinabi mo na hindi na ako dito nakatira. Nang matigil na ‘yon sa katatawag.” Sabi ko naman.
“Bakit ka ba galit na galit sa pamilya mo? Yung iba nga diyan eh, walang pamilya. Ikaw ‘tong meron, ayaw mo naman.” Paggigiit ni Susan.
“Hindi naman sa ayaw ko sa kanila. Basta..” paliwanag ko naman sa kanya. “Oh siya, matutulog na ‘ko. Maaga pa ang pasok ko bukas eh.” Sabi ko na lang para makaiwas sa ganung usapan tungkol sa pamilya ko.

Sa Tondo na ako lumaki. Kagaya ng alam ng karamihan, kapag sinabing Tondo – magulo, marumi, maingay at marami ang naglipanang masasamang tao. Well, hindi na nalalayo sa katotohanan. Magulo nga. Medyo nakakairita minsan kaya ko din nilisan ang lugar na ‘yon. Pero hindi ‘yon ang dahilan kung bakit ako umalis. Si Mama. Siya yung dahilan. Nakakaasar kasi eh. Bakit kaya sa lahat ng ina ay siya ang napunta sa akin? Pwede namang iba ‘di ba? Ewan kung bakit napaka-UNFAIR ng mundo.
Anim kaming magkakapatid. Ako ang pangatlo. Yung dalawang nauna sa akin, mga maagang nagsipag-asawa. Yung sumunod sa akin, nag-aaral sa High School. Yung dalawang kambal na bunso, nasa elemetarya na, nakatira sa mga tiyahin ko. Doon kasi, naalagaan sila. Hindi sila napapabayaan. Since maagang namatay si papa, doon na tumira yung kambal. Hindi kasi sila naaasikaso ni mama eh. Palaging wala sa bahay. Puro inom, puro yosi… lahat na yata ng bisyo taglay nung babaeng yun eh. Kaya ako napilitang umalis ng bahay. Kaya ako nag-iisa ngayon dito. Hindi ko kasi makayanan ang sitwasiyon kapag palagi kaming nag-aaway tuwing nagkaka-abutan kami sa maliit naming barung-barong.

Papasok na ako sa eskwelahan nang makita ko si Jenna. Ang kapatid ko na nag-aaral sa sekondarya.
“Oh Jenna, anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?” gulat kong tanong.
“ate umuwi ka na sa bahay…” sabi nito.
“Ano ka ba Jenna… Alam mo naman ang sitwasyon ‘di ba?” Kinuha ko ang pitaka ko sa bag at kumuha ng isang-daang piso at ibinigay ko iyon kay Jenna. “Oh ayan. Ibili mo ng mga kailangan mo kung meron man. Saka na uli ako magbibigay ng pang matrikula mo sa eskwelahan. Male-leyt na ako, kailangan ko ng umalis.”
“Sige ate…” Sambit ng kapatid ko.

Nakalayo na ko sa kanya. Lumingon uli ako pabalik upang sulyapan siya bago ako sumakay ng jeep. Nakatingin lang siya sa akin. Parang may gustong sabihin pero hindi niya lang masabi. Ano kaya ang nasa isip ng kapatid ko? Hindi kaya ay sinasaktan siya ni mama? Pero naisip ko, hindi pa kami napagbubuhatan ng kamay ni mama kahit kalian. Nahihirapan na siguro ang kapatid ko sa sitwasiyon namin. Sumakay na ako ng jeep at maya-maya ay nakarating na ako sa eskwelahan.

Bachelor of Journalism ang kinukuha kong kurso. Mahilig kasi akong magsulat gaya ng namayapa kong ama. Noong una, ayaw ni mama sa kuro kong iyon. Tumigil na lang daw ako sa pag-aaral kaysa magpatuloy sa ganung kurso. Naaasar lang ako kapag naaalala ko ‘yon. Pero naisip ko, wala na kong pakialam sa kanya, total wala na din naman siyang pakialam sa amin. Kailangan ko na lang magsikap para sa akin at sa mga kapatid ko.

Natapos ang araw at gabi na naman. Nag-duty ako dun sa bar na pinag-tatrabahuhan ko. Nang matapos akong mag-duty, umuwi na ‘ko. Naligo. Ginawa ang mga takdang aralin. Nagbasa ng leksiyon at saka natulog. Ganun ang normal kong buhay bilang isang independent.

Sumunod na araw, normal pa din ang lahat. Ganun at ganun pa din ang mga ginagawa ko. Ilang araw nang tumatawag si mama pero hindi ko iniintindi. Malamang bubungangaan na naman ako nun at pipiliting umuwi sa magulong lugar na’yon. Pero isang beses, nanaginip ako. Bakit ba sa lahat ng pwedeng mapaginipan eh yung babae pa na ‘yon? Bakit si mama pa? Haaaaaayyy… sapanaginip ko, nakatayo lang siya. Nakatingin sa akin at may sinasabi. Hindi ko maintindihan kasi ayokong pakinggan. Kinabukasan, nakita ko na naman ang kapatid ko. Hinihintay ako sa labas ng pintuan ng kwarto na tinutuluyan ko.

“Ate….” sambit ni Jenna na nakapang-bahay lang.
“Oh Jenna, bakit ganyan ang suot mo? Saka… bakit ka umiiyak??” nag-aalala kong tanong.
“Ate si mama kasi eh…”
“Oh bakit? Ano’ng meron sa babae na ‘yon? Sinaktan ka ba? Bakit ganyan ang hitsura mo?!” tanong ko pabalik.
“ATE SI MAMA PATAY NA.”

Na-blangko ako sa narinig. Agad kaming umuwi sa maliit naming bahay sa Tondo. May mga ilaw. Maraming tao,mag nag-susugal. Kumakain ng biskwit at umiinom ng kape. Karaniwang makikita sa isang lamay. Lumapit ako sa labi ni mama. May nakita ‘kong sulat sa ibabaw. Para sa akin ‘yon. Kinuha ko at binasa…

“Carla anak,
Kamusta ka na? Bakit hindi ka pa umuuwi? Ako heto ngayon, dumaranas ng sakit na Kanser sa dibdib. Hindi ko masabi sa’yo kasi nahihiya ako. Ayoko din namang madagdagan pa ang problema mo at ayokong kaawaan mo ako dahil dun. Sinusubukan kong kontakin ka pero wala ka daw sa bahay na tinutuluyan mo. Ilang beses na akong tumatawag pero hindi ikaw ang nakakasagot. Busy ka ba anak?
Pasensiya ka na kung minsan eh lasing ako na umuuwi ng bahay at dahil dun eh palagi tayong nag-aaway. Yun ang dahilan kung bakit ka umalis ng bahay ‘di ba? Pagpasensiyahan mo na ako anak, ha? Nagagawa ko lang naman ‘yon dahil gusto kong malimutan at ‘wag maramdaman ang sakit na nararamdaman ko, anak.
Tungkol sa pag-tutol ko sa kinuha mong kurso, hindi naman talaga sa ayaw kitang magtagumpay. Ayoko lang na maranasan mo ang hirap na naranasan ng iyong ama bilang isang manunulat. Maraming mga mata ang nakatingin sa’yo. Mapanganib. Ayokong mawala ka din sa akin gaya ng kinahantungan ng iyong papa. Mahal na mahal kasi kita eh. Kayong magkakapatid.
Siguro sa oras na binabasa mo ‘to eh nakaratay na ako sa harapan mo. Ayaw ko man, pero wala na akong magagawa. Alam ko na hindi imposible na isipin mo na marami akong pagkukulang sa inyo bilang ina. Pero ‘wag mo sanang isipin na hindi ako naging mabuting ina sa inyo, mga anak. Pasensiya na kayo sa mama niyo. Lalo na sa’yo Carla. Ikaw ang mas labis na nahihirapan, anak. Mami-miss ko kayo mga anak… patawarin niyo sana ang mama…”

Isang buwan na pala ang sulat. Tatlong buwan na pala ako’ng hinahanap-hanap ni mama. Gustong gusto na niya pala ako na makita at mayakap muli. Matagal na pala siyang naghihirap sa sakit na Kanser. Parang bumagsak ang mundo ko pagka-basa ko ng sulat na ‘yon. Wala man lang akong nagawa… WALA… kung hindi umiyak ng umiyak. Niyakap ko ang kabaong ni mama. Sinisigaw ko ang panagalan niya. Naging emosiyonal ang lahat. Maging si Jenna ay nakayakap na sa akin habang umiiyak nung mga oras na ‘yon. Naisip ko tuloy, kailangan pa ba na humantong sa ganito bago ko siya mapatawad?! At bago ko maisip ang mga pagkukulang ko din sa kanya bilang isang anak?! Hindi ko man lang siya napakinggan. Hindi ko man lang soiya nasamahan sa mga paghihirap niya. Hindi ko man lang siya nakausap bago niya lisanin ang mundo. Sana pala sinagot ko ang mga tawag niya. Sana pala kinausap ko siya. Pero hindi ko ginawa ‘yon. Nagsisisi ako.
Napakabilis ng oras. Tumatakbo ang araw. Lumilipas ang panahon. Tatlong linggo na din pala ang nakalilipas nang mamaalam kami kay mama. Umuwi na ako ng bahay at kasama ko na ngayon ang mga kapatid ko. Hinding-hindi ko malilimutan ang pananigip ko kung saan dumalaw si mama at nasulyapan ko siya na buhay na buhay at nakangiti habang nakatingin sa akin sa huling pagkakataon. Iyon na pala ang aking huling sulyap sa aking ina… hindi ko man lang namalayan.

2 thoughts on “Huling Sulyap : My First Short Story

  1. We are plenty of volunteers not to mention launch a good solid design within network. Your online site provided us with treasured information and facts to successfully paintings about. You’ve practiced a remarkable plan and our new large local region may perhaps be excited back to you.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s